Saturday, August 25, 2012

Julie Anne San Jose, kinilig sa kanyang pelikulang 'Just One Summer'

Hindi raw mapaliwanag ng young actress na si Julie Anne San Jose ang kanyang nararamdaman nang mapanood nito ng buo ang kanyang pelikulang Just One Summer na pinagtambalan nila ni Elmo Magalona.

Masayang kwento pa ni Julie Anne sa ulat ni Cata Tibayan sa Balitanghali nitong Lunes, "Ang na-realize ko na lang na, 'yon, kinilig ako, talagang kinilig ako sa movie. Kaya sobrang natuwa ako."

Samantala, todo tilian namang ang mga "JuliElmo" fans nang sorpresahin ng dalawa ang mga ito sa special block screening ng kanilang pelikula.

Maliban dito, masaya at lubos na nagpapasalamat si Julie Anne sa kanyang mga taga-hanga dahil sa tagumpay ng kanyang kauna-unahang self-titled album na nag-number one album sa iTunes store Philippines.

Sa naturang album, dalawa sa mga awitin ay isinulat mismo ni Julie Anne at isa na rito ang "Baby You Are."

Gayundin, pati rin ang kapareha nitong si Elmo ay natutuwa sa album ni Julie Anne.

Aniya, "Ako, naa-appreciate ko talaga 'yong album. [Dahil] mas na po-promote 'yong mga sariling idea natin.

No comments:

Post a Comment