Saturday, August 25, 2012

Richard at Marian, nagpatikim ng kanilang white water rafting adventure

Sa unang pagkakataon, nakasama ni Richard Gutierrez ang Kapuso primetime queen na si Marian Rivera para sa isang makapigil hiningang white o wildwater rafting adventure sa Davao.

Para kay Richard, special ang naturang pagkakataon na makasama si Marian sa naturang water rafting na mapapanood sa Pinoy Adventure sa Sabado.

Ayon kay Marian, lalo siyang na-excite nang hindi sagutin ng kanilang guide ang tanong ni Richard tungkol sa chance na mahulog sila sa rumaragasang tubig.

“Ini-explain niya, tinanong ni Chard kung mayroong chance na mahuhulog, hindi siya nakasagot. So lalo akong kinilig, ibig sabihin mahuhulog talaga ako," ayon kay Marian.

Mapapanood ang naturang adventure nina Marian at Richard sa Pinoy Adventures sa darating na Sabado pakatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA-7

No comments:

Post a Comment