Saturday, August 25, 2012

Rita Avila nilayasan ang WH para sa GMA 7

Kasama si Rita Avila sa cast ng Afternoon Prime ng GMA 7, ang remake ng Sana ay Ikaw Na Nga at masaya niya itong ibinalita sa Twitter. Kaso may followers ang aktres na agad nag-react, hindi tama ang ginawa ng aktres na ipagpalit ang Walang Hanggan ng ABS-CBN na primetime soap sa afternoon soap.

Meron pang hindi naniwala na health reasons ang pagre-resign niya sa soap ng ABS-CBN at iba-iba pang masasakit na tweet. Sinagot sila ni Rita, “To the evil and ignorant, I am not stupid to leave WH w/o an important reason and I am not stupid to accept a new soap if I am not ready to work.”

Sa Sept. 3, na ang pilot ng Sana ay Ikaw na Nga na launching project nina Mikael Daez at Andrea Torres. Masaya si Rita na makasama at masuportahan si Andrea na isa sa mga mahal niya sa showbiz. Balik-tambalan din nila ito ni Jestoni Alarcon.

No comments:

Post a Comment