Saturday, August 25, 2012

Ogie at Eugene nanghiram lang ng underwear

Laugh trip ang love scene nina Ogie Alcasid at Eugene Domingo sa I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila at lalong laugh trip ang nalaman namin kay Direk Chris Martinez na hindi brief ni Ogie ang suot sa nasabing eksena kundi galing sa production at sa shooting na lang nakita ng singer-actor.

Hindi rin panties ni Eugene ang suot sa nakakatawang love scene sa saliw ng kanta ng APO Hiking Society na ’Di Na Natuto at gaya sa brief ni Ogie, galing din sa production kaya hanggang waist nito. Ang bra lang ang kay Eugene, kaya magkaiba ang kulay.

Panoorin ang pelikula na showing simula Aug. 29, tiyak na matatawa rin kayo sa nasabing eksena. Nakakagulat at nakakatawa.

Samantala, hindi alam ni Ogie ang na-post sa Twitter na may gagawing kantaserye si Regine Velasquez at makakasama pa si Roseanne Magan. Wala pa siyang balita tungkol dito dahil ang nakuwento nga dati, cooking show ang gagawin ng kanyang misis.

No comments:

Post a Comment