Simula ngayong araw ay maaari nang mapanood ang stage play ni Eugene Domingo na Bona. Katambal ng aktres sa nasabing proyekto si Edgar Allan Guzman at hindi nagpaawat si Eugene sa paggawa ng kissing scenes dito.
“Confident ako makipag-kissing scene. Ang bango ng hininga ko ’no?! Para sa akin dapat talaga may kissing scene,” natatawang bungad ni Eugene.
Napahanga ang aktres sa pagiging propesyonal ni Edgar Allan pagdating sa trabaho.
“After ng scene, ako pa nga ang nagsabi sa kanya na, ‘Blackout na ha?’ ’tapos sabi niya ‘Sorry, hindi ko nakita patay na pala ’yung ilaw, halik pa rin ako nang halik.’ Kasi nakatalikod siya, sabi ko, ‘Naku, okay lang ’yun ’no,” kuwento ni Eugene.
“Masipag siya and nakikita ko kay Edgar Allan na desidido siya, gusto niyang may marating siya sa business na ito. Not only para magkaroon siya ng maunlad na buhay kundi bilang isang artista. Gusto niya may marating siya,” giit pa ng aktres.
Samantala, pagkatapos ng nasabing proyekto ay gusto ni Eugene na magpunta sa England para makapagbakasyon ng ilang linggo. “Wala akong film sa Metro Manila Film Festival this year. Hindi pa ako nakakapunta sa London, parang gusto ko makapunta roon. Medyo tatagalan ko kasi masyado akong masaya,” pagtatapos ni Eugene.
Para sa mga interesadong manood ng Bona sa PETA Theater Center, maaari itong mapanood hanggang Sept. 23.

No comments:
Post a Comment