Friday, August 24, 2012

Ogie Alcasid Itinangi na Bukol King

Puring-puri ng mga movie press ang I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila nang ipapanood ito sa Eastwood Cinema nung isang araw. Napapasabay pa ang iba sa kanta ng APO Hiking Society dahil sa magandang areglo at paglapat sa eksena ng pelikula.

Sa bilang namin ay labingdalawang beses itong pinalakpakan dahil sa magandang kanta at sa magaling na pagganap ng mga artistang involved.

Standout dito sina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, at Eugene Domingo. Pero ang pinuri ng husto ay si Sam Concepcion na bukod sa magandang pagkanta, magaling din ang pag-portray niya bilang binatang nabuntis ang girfriend na si Tippy Dos Santos.

Sana nga ay tangkilikin ito nang husto ng mga ma­nonood para mag-set naman ng trend ang pelikulang ito na puwede naman ang Pinoy musical film.

PAK: Isa sa kuwelang eksena ay ang love scene nina Ogie at Eugene.

Hindi raw maisip ni Ogie kung paano siya na­pa­payag na magpakuhang naka-lawlaw brief lang. Kinantiyawan itong “Bukol King” o “Labakara King” ba? Pero kinontra ni Ogie dahil hindi siya naglagay ng labakara sa eksenang ’yun.

“Ewan ko kung ano ang reaksiyon ng asawa ko ’pag mapanood niya ito,” bulalas ng songwriter/comedian.

BOOM: Naikuwento rin ni Ogie na nagti-text sila ni Zsa Zsa Padilla na naghahanda sa operasyon niya sa Amerika. Kinumusta pa ang pelikula nila pero sinabihan na ito ni Ogie na huwag nang isipin ang pelikula dahil kailangan magpagaling ito.

Inaalala pa ni Zsa Zsa ang I Do Bidoo Bidoo na sana makakasama ito sa promo at sa premiere night sa Aug. 28.

Iyon din kasi ang schedule ng operasyon ng Divine Diva kaya hindi na talaga ito makakasama at wala rin siya sa showing nito sa Aug. 29.

Balak pa sana ni Dr. Vicki Belo na dalhin si Zsa Zsa sa Germany para sa stem cell therapy pero hindi raw puwede ayon sa doktor.

Mas okay sana na ma-stem cell ito pagkatapos ng operasyon para mabilis ang healing. Pero hindi nga ina-allow sa ’di pa namin alam na dahilan.

No comments:

Post a Comment