“May stiff neck ako,” nakangiting bungad ng Diamond Star na si Maricel Soriano, habang hawak ang batok, pagpasok niya sa UCC Vienna Café sa may Connecticut, Greenhills, San Juan, kaninang tanghali, August 24.
Kahapon kasi ay nag-taping si Maricel bilang special celebrity guest sa artista search ng GMA-7 na Protégé.
Siya ang nakaeksena ng natitirang Top 15 protégés sa short films na idinirek na Brillante "Dante" Mendoza.
Ayon kay Maricel, baka medyo nanibago lang ang katawan niya.
“Number one, excited ako, e. Kasi siyempre, iba naman ‘to.
"Bagong sibol. Sabi nga, di ba?
"Natuwa ako kasi they’re very dedicated. Talagang naka-focus silang lahat," sabi ng award-winning actress tungkol sa Protégé contestants.
MOTHER ROLE. Anu-ano ang naging roles niya sa short films na ginawa nila?
Kuwento ni Maricel, “Yung isang nanay na galing sa kulungan… sa Saudi. Tapos umuwi siya na may napatay siya. Yung ganun.
“Pero naayos yun, so nakauwi siya, e.
"Yung mga anak niya for how many years, hindi niya nakasama.
"So, lumaki sila nang ganun... na walang nanay, na walang kasamang tatay.
“Parang gulat na gulat yung nanay na, ‘Ba’t ganito yung mga anak ko? Ano’ng nangyari?’
"Yung isa, gustong mag-dancer sa Japan. Yung isa, gusto niya sa nightclub naman mag-dance. Yung gano’n.
“Talagang yung nanay, nagulat.
"Yung isang anak niya na lalaki, ibinenta naman yung istorya ng buhay nila.
"Parang ano bang nangyari sa mga anak niya? Parang gano’n.
“So, sila… ang kanilang ano, sinusumbatan yung nanay. Na may pain na ganun. Yung isang scene yun."
Drama ba lahat ng mga ginawa nilang short films?
"Oo, mas lamang yung drama.
"Merong light, pero… maganda. Hindi yung light na iku-consider mo na, ‘O, light naman yung ginawa kaya okay lang.’
"Hindi ganun. Hindi ganun... maganda."
INTIMIDATED BY HER? Kumusta ang Protégé aspirants, nahiya ba ang mga ito sa kanya?
“Siguro ano… oo, baka ano?” natawang bahagya ang Diamond Star.
“Pero hindi ko sila kinausap tungkol dun sa ako, e. Kinausap ko sila tungkol sa ginagawa namin.
“Yung papa'no yung ganito, na dapat maalala niyo yung ginawa ng first take.Yung mga ganung type.”
Na-starstruck ba ang mga bagets dahil Diamond Star ang kaeksena nila?
Natatawang sabi ni Maricel, “Hindi ko nga masasagot ‘yan, e!
"Kasi nung kinakausap ko sila, talagang lahat ng atensiyon nila, nasa ‘yo. Talagang nakikinig talaga sila.”
May mga eksena bang tarayan, sampalan?
“A, wala naman, wala naman.
"Tsaka hindi ko na gusto na may ganun, kasi parang hindi magiging ano, di ba?
“Kung merong dito na ganung eksena, paano yung iba? Who I think also want the same thing na… o, di ba?" saad niya.
THE REMAINING ASPIRANTS? Ano naman ang masasabi niya sa Top 15 ng Protégé?
“E, una siyempre, kung sa eksena, kung kumusta sila, di ba?
"Okay ba? Alam ba yung lines? How do they deliver their lines?
“Kung alam nila yung character nila? Yun yung unang… Alam ba niya ang ginagawa niya? Character ba niya ‘to? Di ba?
“Kung let’s say nanay ako, anak ko siya, 'Ganito ba dapat yung delivery na ‘eto yung situation?' Something like that.
"Parang kung ano yung role nila, dun ko sila tiningnan."
ADVICE FROM HER. Anu-ano ang mga ipinayo sa mga aspirants?
“Dun sa isang group, mas nakausap ko sila… sila yung first group. Yun yung first salang ko, e.
"Sabi ko sa kanila... meron akong mas may naibigay ako sa kanila na salita dahil, number one, kailangan memorized nila.
“Let’s say nag-take ngayon, nag-master shot, e, di ba?
"Sa master shot, kung nagawa mo lahat yun, siyempre may inserts, e, ‘no? Yung dukot, ‘ika nga.
"Dapat the same yung gagawin mo do’n sa first take. Yung yung mga in-advice ko sa kanila."
Patuloy niya, “Pero I’m sure ang dami nilang natutunan dun sa mga mentors nila. Kaya congratulations sa mga mentors.
"Ang galing-galing niyo naman dahil ang gagaling ng mga bata. Ano ba ‘yan?
“Oo, talaga namang on your toes sila lahat. Wala naman akong masabi.”
STARS FROM REALITY SHOWS? Ano naman ang masasabi niya sa reality shows na nagdidiskubre ng mga bagong artista?
“Nakakatuwa din isipin na… inspired yung mga kabataan.
"O yung teenagers na nakikita natin ngayon na talagang nagpupursiging mag-artista, hindi ba?
“Pero ako, natuwa ako dahil nagsilbing inspirasyon ang mga artista sa kanila. Gusto nilang pasukin ang pag-aartista.
“Number two, nakita ko naman yung dedikasyon ng mga bata. Wala naman talaga akong masabi.”
Sakali, puwede rin siyang maging mentor sa Protégé?
“Ngayon? May stiff neck ako, ‘no!” sabay tawa ni Maricel.
Next year?
“Tingnan natin. Tingnan natin baka puwede naman,” sagot niya.
DIREK BRILLANTE. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Direk Brillante Mendoza, sinabi nitong nagkasama na raw sila ni Maricel noon sa trabaho kaya walang problema sa pagtatrabaho nilang muli.
Pag-alala naman ni Maricel, “Oo, dahil nag-work na kasi kami before. Oo, TVC [TV commercials].
“Oo, ako din tuwang-tuwa, kasi nagkakaintindihan kami ni Direk, e.
"When it comes to, ‘Papa’no ba natin ie-execute to?’ Yung mga ganung type.
“Natuwa ako, e. ‘Tsaka natuwa ako dun sa mga bagets. Talagang, wow! Talagang they were really there.”
Kailan naman kaya siya magkakaroon ng TV show na full-length?
“Hindi ko masagot ‘yan, e. Si Boss Vic [del Rosario] ang kausap diyan,” pagtukoy niya sa big boss ng Viva, kung saan nakakontrata si Maricel bilang artista at isa sa talents ng kumpanya.
CAMEO WITH RODERICK. Kumusta yung guesting nila ni Roderick Paulate sa pelikula nina Jose Manalo at Wally Bayola na Ikaw Na, Da Best Ka?
“A, nung nag-guest kami ni Dick... parang mag-sweethearts kaming dalawa.
"Na, nakapasok kami sa room, pero may tao na pala sa kuwarto.
“Kasi mali yung number. Mali yung room number, e.
"Kung 909 yung nasa card namin, pero 906 pala kasi nahulog, e… yung dulo.
“Pagpasok namin, ‘Ay, may tao!'
"Alam mo, tuwang-tuwa si Mr. T,” pagtukoy niya kay Mr. Tony Tuviera ng APT Films, na nag-produce ng pelikula nina Wally at Jose.
Patuloy ni Maricel, “Aliw na aliw. Ang saya namin nun. Nag-enjoy din ako.
“Ngayon, you look forward na pag nagtrabaho ako, yung mag-enjoy ka, di ba?
"Isa yun sa nasabi ko na dapat gusto niyo yung ginagawa niyo. Para it’s easier,” sabi raw niya sa Protégé aspirants.
Kumusta na yung nabalitang pelikula nila ni Vic Sotto na gagawin daw sa Italy?
“APT na po ba? APT na ang pinag-uusapan natin? O, okay na tayo? Okay na children? Okay na daw. Okay, split na 'ko!” natatawa niyang pagtatapos.

No comments:
Post a Comment