Friday, August 24, 2012

Iwa Moto Dinepensahan ang sarili tungkol sa isyu na may kontrata siya TV5

Nasaktan at nalungkot daw si Iwa Moto sa demandang breach of contract na isinampa sa kanya ng GMA-7 dalawang buwan na ang nakararaan.

May kinalaman ito sa paglabas ng 23-taong-gulang na aktres sa TV5 bago pa man tuluyang nagtapos ang kontrata niya sa kanyang dating mother studio.

Para kay Iwa, misunderstanding lang ang naging ugat ng gusot na ito, pero inaamin niyang nasaktan talaga siya sa pagkakahabla sa kaniya.

“Oo naman, masakit,” sabi ni Iwa sa eksklusibong panayam ng Hot Pinoy Showbiz sa kanya noong Miyerkules, Agosto 22, sa isang restaurant sa Quezon City.

Patuloy niya, “Kasi, siyempre, as far as I’m concerned, hindi naman ako umaalis doon na binabastos ko sila.

“At saka, until now naman, wala akong contract with any company, e.

“So parang, wait lang, parang, mali naman siguro...

“Tapos na iyong kontrata ko sa kanila [GMA-7], pero parang hina-hassle pa nila ako.

“Nakakalungkot, pero alam ko naman na, in due time, mapag-uusapan nang maayos.

“Kasi, like what I’ve said, ang parang inirereklamo nila is lumalabas ako with other network, e, wala na akong kontrata sa kanila.

“Baka iniisip siguro nila, I have a contract with TV5, pero it’s not like that, e.

“Nandoon ako, lagi akong nasa TV5, kasi they are giving me project.

“E, kung binibigyan ba naman nila ako ng project, bakit hindi naman ako tatanggap sa GMA?

“Sa ngayon, freelancer ako.

“Puwede ako sa GMA, puwede ako sa ABS CBN, at puwede ako sa TV5—kahit saan ako.

E, nagkataon lang talagang TV5 ang nagbibigay at very supportive sa akin ngayon. So, doon ako.”


STARSTRUCK ALUMNA. Si Iwa ay produkto ng successful reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck.

Nanalo siya bilang First Runner-Up ng StarStruck Season 3, kung saan naging Ultimate Female Survivor si Jackie Rice at Ultimate Male Survivor si Marky Cielo.

Mula noon, napanood na si Iwa sa mga sumusunod na teleserye ng Kapuso network: Bakekang (2006), Super Twins (2007), Kung Mahawi Man ang Ulap (2007), Joaquin Bordado (2008), Luna Mystika (2008), Magdusa Ka (2008)...


Adik Sa ‘Yo (2009), Darna (2009), Ina Kasusuklaman Ba Kita? (2010), Pilyang Kerubin (2010), Beauty Queen (2010), at Dwarfina (2010).

Ang huling show na ginawa niya sa GMA-7 ay ang defunct sitcom na Andres de Saya (2011).

Pagsalubong ng 2012 ay nagsimula na siyang mapanood sa iba’t ibang programa ng TV5.

Kasama rito ang Wil Time Bigtime, The Jose & Wally Show Starring Vic Sotto, Regal Shocker, Kapitan Awesome, Felina, Pidol’s Wonderland, Lokomoko, at Third Eye.


BIG MISUNDERSTANDING. Naniniwala si Iwa na maaayos din ang problema niyang ito sa GMA-7.

Saad ng half-Japanese, half-Filipina actress, “Sa tingin ko, malaking misunderstanding lang ito.

“Kasi nga, hindi ba, nagkaroon ng time na wala akong project with them?

“But I have to work, kasi siyempre, hindi naman pupuwedeng antayin ko na lang na bigyan nila ako, kailangan ko ring kumilos by myself.

“So, nagtrabaho ako.

“Pero nang sinabi nila na I have to stop dahil hindi pa tapos iyong kontrata, January [2012] iyon. E, nag-stop naman ako.

“Kasi, I respected them.

“E, tapĆ³s na iyong kontrata, bakit ngayon pa nila ako idinedemanda?”

Kailan natapos iyong kontrata niya?

“Natapos ang kontrata ko March 2012. Lumabas ako sa TV5 ng January.

“Nagpaalam naman ako nang lumabas ako sa TV5. Ang problema lang ay hindi nila ako pinapayagan.

"E, I told them, 'Sige po, hindi ako lalabas sa TV5, pero sana ay bigyan niyo rin ako ng project, bigyan niyo rin sana ako ng work.

"'Kasi, hindi naman po puwede na dahil hindi niyo ako binibigyan ng project ay hindi na rin ako kakain.’

“So, basically, it’s just ano…parang survival lang ito, e. I have to do what I need to do to survive.

“Pero feeling ko naman," patuloy ni Iwa, "kapag nagkausap kami…

"Kasi, until noong last na nagkaroon ng communication with GMA and us, parang ang gusto nila is mag-renew ako ng another contract with them.

“E, ang sabi ko, ‘Ay, wait lang, titingnan ko rin muna.

“Kasi, I’ve been with Artist Center for six years, siguro naman it’s about time to have my own manager.

“Na parang, at least, ang gusto ko kasi ay iyong direkta na nakakausap ko, na may mutual understanding kami.

“At the same time, sila na iyong bahalang mag-usap ng GMA.

“Pero kung hindi naman, hihintayin ko na lang iyong ibang offers.

“Kasi may mga offers din naman, like Viva is offering me before.

“Tapos, hindi pa lang namin sila nababalikan nga, kasi kailangan naming tapusin iyong sa GMA.

"Pero hindi pa kami nakakapag-usap masyado, e.

"Basta ang last na napag-usapan namin, they want me to renew a contract with GMA.

“E, as of now, medyo hindi pa kami nakakapag-usap nang maayos dahil nga, ako, I’ve been busy.

"Like, I have to go to Japan and, siyempre, may ginagawa rin akong trabaho sa TV5.

“So, medyo hindi rin kami nakakapag-usap.

“Pero I know, in due time, lalo na kapag naliwanagan sila…

“Kasi feeling ko talaga, ang buong pag-aakala nila ay may kontrata ako sa TV5—pero, wala, e,” giit ng StarStruck alumna.


LEGAL MATTERS. Sinabi pa ni Iwa sa Hot Pinoy Show na ngayon ay nahihiya siya sa TV5 at sa Wil Time Bigtime, ang primetime game show ni Willie Revillame, dahil pati sila ay nadamay sa demanda sa kanya.

Sa Wil Time Bigtime kasi ang unang appearance ni Iwa sa Kapatid network.

“Siyempre, nahihiya naman ako, sobra…

“Kasi, they were just there to help me, tapos sila pa iyong naha-hassle, sila pa iyong naiipit at nadadamay.

“Pero, in due time, I know naman na matatauhan din iyong mga dapat matauhan.”

Sino ba ang kausap niya sa GMA-7?

“Ang attorney ko ang nakikipag-usap,” pagtukoy ni Iwa kay Atty. Raymund Palad.

Si Atty. Palad rin ang abugado ng GMA-7 artist na si Katrina Halili sa pagsampa nito ng anti-violence against women case laban kay Hayden Kho Jr.

Dagdag ni Iwa, “Kasi mahirap kapag ako ang nakipag-usap, e, dahil I don’t know all the legalities, e.

“So, mas maganda na iyong attorney ko ang makipag-usap sa kanila.”

Pinatotoo ni Iwa na masama ang loob niya sa pangyayaring ito.

Nakakasama talaga ng loob dahil feeling ko ngayon ay naiipit ako.

“Like now, I should be at home, resting. Pero alam mo iyon, kailangan kong bumalik-balik ng Q.C. kasi makikipag-meeting sa attorney?

“Iyong mga ganoon, hassle, e. Ang layo ng bahay ko at traffic pa. Mabuti kung taga-Quezon City pa rin ako.

“Basta, inaasahan ko na maaayos ito. We’re open for negotiation naman, e.

“Pero definitely, ang gusto ko ay may manager ako na sarili.”

Paano kung parehong may offer ang GMA-7 at TV5, sino ang mas pipiliin niya?

“Siyempre, kung ano iyong may pinakamagandang deal.

“Kasi ako, kung utang na loob lang, malaki talaga ang utang na loob ko sa GMA at marunong akong tumanaw ng utang na loob.

“Pero hindi na naman tayo bumabata, e.

“I have to consider the fact na hindi ako bumabata and kailangan ko rin na makita iyong best option for myself.

“Pero, hindi ibig sabihin na kinakalimutan ko na iyong nagawa sa akin ng GMA-7.

“Ako, ever since naman, lagi kong sinasabi na ang laki talaga ng utang na loob ko sa GMA-7. I wouldn’t be here if it wasn’t for them.

“Pero siyempre, kailangan ko rin namang isipin iyong future ko,” seryosong pahayag ni Iwa.


GMA MANAGEMENT DECISION. Ngayong hapon, Agosto 24, nakausap sa telepono ng PEP associate editor na si Erwin Santiago si Jenny Donato, ang events and publicity specialist ng GMA Artist Center.

Ang GMA Artist Center ang talent-management arm ng Kapuso network, at siyang nangalaga sa career ng aktres mula noong 2006, nang manalo si Iwa bilang First Princess (o First Runner-Up) sa StarStruck, hanggang nitong Marso 2012.

Kinuha ng PEP ang panig nila kaugnay ng mga pahayag ni Iwa.

Kinumpirma ni Jenny Donato sa PEP na, noong March 2012, nag-expire na ang kontrata ni Iwa sa GMA Artist Center.

Sinabi rin niyang ang management ng GMA Network ang nagdesisyong magsampa ng kasong breach of contract laban kay Iwa.

Isinampa ito noong May 31, 2012, sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC).

Ayon kay Jenny, ito ay dahil sa pagtanggi raw ng aktres na lumabas sa Kapuso Sunday afternoon variety show, Party Pilipinas, nang dalawang beses, sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre ng 2011, na sakop pa ng kontrata niya.

Ibig sabihin daw, binibigyan nila ng trabaho si Iwa ngunit ang aktres mismo ang tumatanggi.

Ipinaalala rin ni Jenny ang ginawang pagsuporta ng GMA Artist Center kay Iwa nang masangkot ito sa isang eskandalong kaugnay ang dating boyfriend na si Mickey Ablan.

Ito ay kaugnay ng paghahabulan nina Iwa at Mickey sa parking lot ng annex building ng GMA Network noong May 12, 2011, kung saan nagtamo ng sugat sa kamay ang aktres.

(CLICK HERE to read related story.)

Binigyan pa raw nila ng legal assistance si Iwa noong panahong iyon, pagpapaalala ng events and publicity specialist ng GMA Artist Center.

No comments:

Post a Comment