Friday, August 10, 2012

Maja Salvador admits break up with Matteo Guidicelli

Inamin na sa wakas ang aktres na si Maja Salvador na tuluyan na nga niyang tinuldukan ang relasyon nila ni Matteo Guidicelli.

Sa guesting nito sa "KrisTV" nitong Biyernes ng umaga, inamin ni Maja na balik siya sa pagiging single pero giit niyang magkaibigan pa din sila ni Matteo.

"Single... pero magkaibigan kami. Sobrang magkaibigan," ani Maja.

Giit ni Maja, walang ibang taong sangkot o dahilan sa kanilang paghihiwalay.

"Kasi wala namang third party, parang nag-decide lang kami na i-end muna ang relationship kasi may priorities kaming dapat unahin. Like siya, yung career niya at pagiging triathlete niya. Siyempre 'yung oras mo sobrang mahahati sa lahat tapos ako din naman sa trabaho. 'Yung taping namin, so minsan mahirap 'yung hindi laging nagkikita hindi ma-balance 'yung oras sa isa't isa," ani Maja na ngayon ay busy sa taping ng "Ina, Anak at Kapatid."

Ilang linggo lamang ang nakakaraan nang maglabasan ang mga balitang hiwalay na si Maja at Matteo dahil na din sa sunod-sunod na tweets ni Maja tungkol sa breakup.

No comments:

Post a Comment