Sunud-sunod ang dance numbers ng tinaguriang “Bad Boy of the Dance Floor” ng GMA-7 na si Mark Herras sa regional shows ng Kapuso network sa Bicol region nitong nakaraang weekend.
Mula Naga hanggang Legazpi, walang pagod na nagsayaw si Mark sa iba’t ibang okasyon na inihanda ng GMA-7 para sa mga Bicolano.
Kabilang dito ang launch ng originating station ng network para sa Bicol region sa Naga noong Biyernes, August 10; at satellite feed ng Party Pilipinas at Kapuso Fans Day sa Legazpi City noong Linggo, August 12.
“Suki na ako ng regional,” nakangiting sabi ni Mark nang makapanayam siya ng Hot Pinoy Showbiz at iba pang invited media sa launch ng GMA-7 Bicol.
Patuloy niya, “Mas okay na po ‘yong nagpe-perform every week sa iba’t ibang lugar habang walang ginagawa kaysa ‘yong nasa bahay lang.”
Bagamat wala siyang teleserye ngayon, hindi naman nawawala ang pagkilala ng publiko sa kanya.
Sa katunayan, isa siya mga artistang nag-perform na hiniyawan nang husto sa Bicol shows ng Kapuso network.
Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi na masyadong inaalala ng kauna-unahang StarStruck male grand winner ang pagdating ng mga bagong artista.
“Napagsawaan ko na po ‘yong kaba,” ani Mark.
“Napagsawaan ko na po ‘yong kaba every time na may dumarating na bago.
“Actually, ‘yong tanong na ‘yan, during StarStruck days pa.”
NEW BREED OF KAPUSO STARS. Sa bagong artista reality search ng GMA-7, ang Protégé, mas nae-excite pa raw si Mark sa mga bagong darating kaysa makaramdam ng kaba.
Aniya, “Actually, nanood pa nga ako noong gala night nila.
“Parang mas nangingibabaw po ‘yong excitement kaysa sa kaba. Parang di naman ako kinakabahan.”
Samantala, bilang isang alumnus ng artista search, nagbigay ng payo si Mark sa mga nagnanais na maging celebrity.
Sabi niya, “Actually, ‘yong talent naman po at saka ‘yong hitsura, nandiyan na ‘yon, e.
“Ang kailangan na lang nila i-maintain is ‘yong ugali at saka ‘yong pagtanaw nila ng utang ng loob doon sa mga nakakasama nilang magtrabaho, ‘yong mga sumusuporta sa kanila from day one hanggang sa last day ng Protégé.
"So, sana ‘yon ang matutunan nila.”

No comments:
Post a Comment