Monday, August 13, 2012

Sarah Lahbati sinaving Good Frienf lang daw sila ni Richard Gutierrez

Kitang-kita ang sweetness ng Makapiling Kang Muli lead stars na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nang kumanta sila sa stage para sa Kapuso Fans Day ng GMA-7 sa Legazpi, Albay, noong Linggo, August 12.

Marami sa mga nanood ang kinilig sa ipinakita ng dalawa. Subalit bago pa man isipin ng iba na may namamagitan na sa kanila, agad na itong nilinaw ni Sarah.

Ayon sa 18-year-old Kapuso actress, magkaibigan lamang sila ng 28-year-old actor.

“Sa ngayon, we’re close friends and ine-enjoy lang namin ang company ng isa’t isa habang nagtatrabaho,” sabi ni Sarah nang makapanayam siya ng Hot Pinoy Showbiz at iba pang media na naimbitahan ng GMA-7 para sa kanilang shows sa Bicol.

Ang nasaksihan ng mga taga-Legazpi ay hindi ang unang pagkakataon na nakitang sweet sa isa’t isa sina Sarah at Richard.

Sa katunayan, marami rin ang nagtanong kung may relasyon na nga ba silang dalawa nang maging guest si Sarah sa programa ni Richard na Pinoy Adventures.

Pero diin ni Sarah, “We’re good friends. Hindi ako echoserang frog!”

Gayunman, aminado ang dating StarStruck V female winner na mas kilala na niya ngayon ang kanyang katambal sa teleserye.

Pahayag ni Sarah, “Of course, before this show, hindi ko naman talaga siya kilala.

“I only got to know him when I knew that I was going to be paired with him.

“Yeah, mas nakilala ko siya because every day magkasama kami sa work and some events.”

ALREADY ALLOWED TO HAVE A BF? Dahil 18 pa lamang si Sarah, tinanong namin kung pinapayagan na ba siya ng kanyang mga magulang na magkaroon ng boyfriend.

Sagot ng Morrocan-Filipino celebrity, “My parents naman are okay with me having a boyfriend as long as, alam niyo ‘yon, kakilala nila.

“Siyempre, as parents, nag-aalala lang sila. Kailangan lang nila makilala.”

Nakilala na raw ng ina ni Sarah si Richard.

At para sa kanyang ina, sabi ni Sarah, “Natutuwa siya sa mga blessings na dumarating sa akin this year at sa amin ni Richard na magkapares kami ngayon.

“She thinks that he’s a nice guy and he’s professional.”

Patapos na raw ang taping nina Sarah at Richard para sa Makapiling Kang Muli. Pero matatapos raw ang airing nito sa Setyembre o Oktubre pa.

No comments:

Post a Comment