Wednesday, August 15, 2012

Mikael Daez not yet too late to be in a loveteam

Bagamat malayo na sa pagiging teenager, hindi pa rin huli para sa model turned actor na si Mikael Daez ang pumasok sa isang loveteam.

Sa kanyang susunod na proyekto sa GMA-7 ay makakapareha niya ang dating co-star niya sa My Beloved na si Andrea Torres.

Sila ang bida sa remake ng dating primetime series ng Kapuso network na Sana Ay Ikaw Na Nga, na pinagbidahan noon nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia.

Isang prebilehiyo itong maituturing para sa 24-year-old actor dahil mula sa supporting roles ay binigyan siya ng pagkakataon ng GMA Network na maging bida sa isang teleserye.

“Nag-research-research pa ako tungkol sa mga loveteam dati ng GMA-7. I think, this is the first time in a long time na maglu-launch ang GMA-7 ng bagong loveteam, as in two new faces,” natutuwang kuwento ni Mikael sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na naimbitahan sa shows ng Kapuso network sa Bicol noong Linggo, August 12.

Noong una raw ay nagtataka pa sila ni Andrea kung bakit napagdesisyunan ng kanilang mother network na pagtambalin sila sa isang teleserye.

Sabi ni Mikael, “I mean, kailangan mo ring isipin, at least makita mo kung bakit tayo, bakit may tiwala ang GMA-7 sa aming dalawa.

"I think they are taking a risk. Siyempre, sa business naman there’s always a risk.

“I think it’s a risk na well thought of naman.

“I think there’s a lot of potentials in me and Andrea as a loveteam.

“I think it’s something very fresh and new para sa industry, especially sa GMA-7.

“Kasi right now, ang mga established loveteams, more of the younger side, e.

"So, sa age bracket namin ni Andrea, wala pa masyado.

“This is a big thing and a new thing for GMA-7. Sana maging successful talaga kasi we will pave the way for new opportunities.”

Naniniwala rin si Mikael na kahit medyo huli na ang pakikipagtambalan niya, marami pa rin ang tatangkilik sa kanilang tambalan ni Andrea.

Aniya, “Nakikita ko ‘yong tiwala na inilalagay ng GMA-7 sa aming dalawa. Nakikita ko rin ‘yong potential.

"I think, more than anything, nakikita ko ‘yong potential naming dalawa as a loveteam.”

Dagdag pa ng Kapuso talent, bagamat remake ang kanilang gagawin, maaaring makakuha pa rin sila ng suporta sa mga dating fan ng teleserye.

“Alam niyo ‘yong fans, sa ngayon ha, sa nare-receive kong feedback sa Twitter, maraming fans ‘yong Sana Ay Ikaw Na Nga— old and new.

“Pero I also think that the fans are also very smart now. Hindi na nila ine-expect na sobrang eksaktong-eksakto.

"Alam na nila na Andrea and I will make Sana’y Ikaw Na Nga version two our own."

“CAN-DO” ATTITUDE. Dahil sa pagkakataong ibinigay ng GMA-7 sa kanya, nangako naman si Mikael na hindi niya pababayaan ang trabaho niya.

“I think we’re ready,” kampanteng sabi ni Mikael.

“I think the projects that we’ve done, ‘yong effort na inilagay namin, ‘yong passion na inilalabas namin for our work and our craft, I think ito na ‘yong parang combination niya.

"So, can-do attitude kami ngayon ni Andrea. I think that’s what’s gonna help us to be successful here.”

Mabuti na lamang daw at hindi siya nagsawang maghintay para makamit ang isang lead role.

“I mean, I think lahat naman ‘yan ay proseso. Lahat naman tayo parang may sariling growing-up stages.

“Hindi naman ako naging impatient, hindi ako nagreklamo.

“I felt na ‘yong mga roles ko dati, ‘yong mga projects ko dati, lahat sila makakatulong para sa moment na ‘to.”

Kung tutuusin, hindi naman ganun katagal ang naging paghihintay ni Mikael dahil noong isang taon lamang siya pumasok sa showbiz.

Naging leading man siya agad ni Marian Rivera sa horror-comedy series na Ang Spooky Mo Presents Bampirella.

Nasundan ito agad ng epic-serye na Amaya kung saan isa rin siya sa naging love interest ni Marian.

Ang ikatlong serye ni Mikael ay ang My Beloved, kung saan nakasama na naman niya ang Primetime Queen ng GMA-7.

FOCUS ON HIS CAREER. Para maiwasang masayang ang pagkakataong ito na ibinigay sa kanya ng Kapuso network, sinabi ni Mikael na itutuon niya ang kanyang buong atensiyon sa proyekto.

Isa na siguro itong dahilan kung bakit hindi diretsang nasagot ni Mikael ang tanong namin tungkol sa kanyang lovelife.

Sa halip, iniba niya ang kanyang sagot. Aniya, “I think I’m a happy person, generally. I think I’m a happy person.

“And ‘yon nga, I don’t like being impatient, e.

“Sa tingin ko kasi, ang pagiging impatient ay hindi nakakatulong sa disposisyon mo sa buhay mo.”

Hindi rin siya nagbigay ng komento sa mga napapabalitang relasyon nila ng isang Kapamilya actress.

Natatawang sagot lang niya, “Bahala sila sa sightings nila!

“Don’t worry, I think there will be more pictures of me and Andrea.”

Sa huli, ipinangako ng aktor na ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para mapabuti ang bagong proyekto niya.

“Right now, my focus is on the soap,” diin ni Mikael.

“Honestly speaking, I really have to respect the opportunity na ibinigay sa akin ng GMA-7.

“Regardless of the rumors that go around, which is part of our work naman, I really have to show GMA-7 na hindi ‘yon ang trabaho ko—‘yong pag-aasikaso sa mga isyu at intriga.

“Ang trabaho ko is to perform for them. And for me to be able to perform for them, kailangan maganda talaga ang chemistry namin ni Andrea.”

No comments:

Post a Comment