Tuesday, August 14, 2012

Julie Anne San Jose at Elmo Magalona Ikwinento ang gusto nila at ayaw nila sa showbiz

The much-awaited second episode of PEP Talk is finally here!

Noong Agosto 6, muling naging busy ang buong editorial staff ng Hot Pinoy Showbiz sa paghahanda para sa taping ng ikalawang episode ng PEP Talk.

PEP Talk is the first online talk show in the country.

Sa pagkakataong ito ay naging mas magaan na para sa lahat ang proseso. Hindi na nangangapa tulad nang unang sumalang ang mga editors.

Malaking bagay na naging maganda ang response ng PEPsters sa unang episode ng show, kung saan ang panauhin ay si GMA-7 Primetime Queen Marian Rivera.

At malaking bagay din na ang ganda na ng ngiti ni Marian nang dumating sa studio ng PEP Talk! Tapos ay game na game sumagot sa mga tanong!

Ang first episode ay nag-generate ng more than one million page views.

Kaya naman sa second episode, pinili ng PEP team na interbyuhin ang isang very likeable young loveteam.

Ladies and gentlemen, PEP Talk presents the loveteam of Julie Anne San Jose and Elmo Magalona, also known as JuliElmo!


BEGINNINGS. Kahit napakasama ng panahon noong araw na iyon, August 6, dumating pa rin sa studio ng PEP Talk sina Julie Anne at Elmo na may ngiti sa mga labi.

Kaya kahit maulan ay parang summer ang pakiramdam ng mga PEP editors na sina Karen Pagsolingan, Erwin Santiago, at Monching Jaramillo nang makaharap ang dalawa.

Inumpisahan ang Q&A portion nang tanungin ang dalawa tungkol sa una nilang pagkikita.

Julie Anne: "The very first time na nagkakilala kami ni Elmo was sa Party Pilipinas, bale we did a production number.

"The very first song we sang was 'Pyramid,' ‘tapos ayun, parang experimental lang yung team-up namin together, until sa naging loveteam na."

Elmo: "Wala naman pinlano dati na magiging ganito iyong mangyayari, na ipagpe-pair kami tapos magiging loveteam, saka lahat na. Wala namang gano'ng plano."

Ano naman ang naging first impression nila sa isa't isa?

Julie Anne: "Ang first impression ko sa kanya, 'Pinabatang Francis M ba ‘to? Si Francis M parang bumata.'

"Son pala siya ni FM, who was my idol talaga ever since.

"Parang 'di kami masyadong na-introduce nang maayos sa isa’t isa hanggang sa ayun, shy…

"Nagkaroon kami ng mga production numbers sa Party Pilipinas. ‘Tapos ang first impression ko sa kanya, shy din siya, mahiyain."

Elmo: "Si Julie, never ko naman siyang nakausap nang matino dahil noong una ko siyang nakilala...."

Julie Anne: "So, di pala ako matino?"

Elmo: "‘Di masyado, e! Pero nang makilala ko siya, naging matino siya."

Kung ganoon, paano kaya nag-work ang kanilang team-up?

Elmo: "Ewan ko! Kasi siguro parehas kami ng age.

"'Tapos iyong isa pang distinct na bagay na meron kami e iyong kumakanta [siya], tapos nagra-rap ako. Siguro gusto nila iyong mixture na gano'n— R&B and rap.

"'Tapos iyon, parang in-experiment lang nila.

"Kasama do'n, pinagawa rin kami ng mga short film. Ginawan ng kuwento iyong mga number namin together, so napunta na nga iyon into [may] romantic side iyong mga number."

GETTING TO KNOW JuliElmo. Mula sa pinagdaanang awkward stage, hanggang sa unti-unti na ngang umusbong ang kanilang loveteam, makikitang mas kumportable na ngayon sa isa't isa sina Julie Anne at Elmo.

Sa dalawang taon nilang pagsasama sa trabaho, paano na nila ngayon mailalarawan ang isa't isa?

Julie Anne: "Si Mo, he’s cute, sweet, gentleman. Actually, composed na siya, e. Nasa kanya na lahat, e! Understanding and talented.

"Understanding, kunwari may pinag-uusapan kami, nagkakaintindihan talaga kami."

Elmo: "Si Julie, pinakauna talaga, talented at saka hardworking. Super focused siya.

"Maganda siya, saka very joyful and, iyon nga, meron kami talagang connection na, iyon nga, sinabi niya, [may] understanding kami."

Nilinaw ni Elmo na hindi ibig sabihin nito ay may mutual understanding o mag-MU na sila.

"Spontaneous" at "random" lamang daw sila kapag nagpe-perform. Hindi nila pinagpaplanuhan ang pagpapakilig sa kanilang audience.

Ano naman ang mga ayaw nilang katangian ng bawat isa?

Julie Anne: "Ayaw? Wala! Wala akong nakikitang ayaw."

Elmo: "Laging tinatanong 'yan, e, pero wala akong masagot."

Hindi ba sila dumarating sa punto na minsan ay nagkakaasaran?

Elmo: "Never! Pero ina-admit ko may mga mali rin ako. Late, usually, 'yon. Nagso-sorry naman ako, bumabawi ako."

JULIE ANNE AND ELMO AS INDIVIDUALS. Sinubukan din ng PEP editors na mas kilalanin sina Julie Anne at Elmo bilang mga indibidwal.

Unang inilarawan ni Julie Anne ang kanyang sarili.

"Simple! Simple lang! Simple lang ako.

"Kasi I grew up na 'tinuro sa akin ng magulang ko na maging simpleng tao lang ako.

"Kasi nasa simpleng… pero naka-boots ako! Simple pero naka-boots," pagbibiro ng dalaga.

"Pero seryoso, tinuro sa akin ng mga magulang ko na maging humble kahit ano'ng mangyari, ‘tapos may respeto sa lahat ng tao. Iyon lang.

"And most of all, maging God-fearing."

"Ako, 'di ko masabi," sagot naman ni Elmo, kaya muli siyang tinanong ng PEP editors: "Tahimik ka ba na tao?"

Elmo: "Depende, e! Kapag wala ako mapag-usapan. Usually naman ano ako, e, very outgoing.

"Marami akong gustong matutunan na bagay. Adventurous and competitive na tao. And paranoid at saka madaling ma-stress."

Paranoid?

Elmo: "Konting bagay lang, mabilis akong mag-isip ng negative. Medyo negative ako mag-isip minsan."

May ginagawa ba siyang paraan upang mabago ito?

Elmo: "Minsan hindi, e. Hinahayaan ko na lang na ibang tao magsabi sa akin."

Tulad ng iba, nakararanas din ba sila ng mood swings habang nasa gitna ng trabaho?

Julie Anne: "Ano naman po, siyempre sa lahat naman po talaga ng artista and sa lahat ng nagtatrabaho, hindi naman natin maiiwasan magkaroon ng bad moods. Kasi siyempre sa puyat, pagod, tapos stress."

Ano ang ginagawa nila kapag wala sila sa mood?

Julie Anne: "Pag wala po ako sa mood, hindi po halata, e.

"Kasi dito sa showbiz, parang ito nga ang pinili ko kasi ito [ang gusto kong gawin], kaya ine-enjoy ko talaga siya at bihira akong ma-bad mood."

Elmo: "Sinasabi nila moody daw ako, pero 'di ko naman alam kung bakit."

Julie Anne: "Oo kaya!"

Elmo: "Siguro moody kasi minsan 'di ako nagsasalita. Pero 'di ako moody dahil 'di ako nagsasalita.

"Sometimes lang may days na tahimik ako, tapos minsan hyper, minsan ano rin, weirdo ako.

"Minsan pag sa interview, pag may question ako, nag-iisip ako, nagsasalita ako. ‘Tapos mamaya, parang ilalayo yung sarili ko sa sarili ko, tapos parang, 'Teka!'

"Ang daming nagsasalita, ang dami kong sinasabi, parang 'di ko na alam yung sinasabi ko. Feeling ko naman, it’s a unique personality."

Mabait at maamo ang rehistro ni Elmo sa TV. Paano kaya siya kapag nagagalit? How does he handle strong emotions?

Elmo: "Sometimes, nagbe-burst ako, e. Pero bihira ko siya…"

Burst?

Elmo: "Extra emotional. Sobrang labas ng daming galit. Di ko naman siya pinapalabas pero pag lumabas nga, out of control."

Ano ang nagti-trigger sa kanya para magalit?

Elmo: "Pag pino-provoke ako, pag may bagay na hindi nangyari sa plano, tapos... mabilis nga ako maging negative, di ba?

"Basta lahat ng mga bagay na iyon nag-a-add up, tapos iyon, sasabog na lang ako na parang bulkan."

May pagkakataon bang na-witness ni Julie Anne ang ganitong side ni Elmo?

Julie Anne: "'Di ko pa nakikita, as in, iyong ano. Pero sa workshops, iyon, kasi kailangan talaga. For motivation siyempre, di ba?"

TOGETHER FOREVER? Muli namang nabaling ang usapan sa partnership ng dalawa bilang magka-loveteam.

Palagi ba silang "together" on and off camera?

Elmo: "On cam, together forever kami."

Julie Anne: "Yes, together forever talaga kami!"

Elmo: ''Off-cam, gano'n na rin, pero di naman gano'n kasobra. Forever? ‘Di naman forever."

Madalas na maintriga ang mga magka-loveteam na nagkakaroon ng romantic relationship sa tunay na buhay.

Para sa mga kinikilig na fans, ito ay katuparan ng isang pangarap.

Pero sa pananaw nina Julie Anne at Elmo, gaano ba kaimportante na ang magka-loveteam ay ma-in love din sa isa't isa sa tunay na buhay?

Julie Anne: "Ako, I don’t know. I don’t think so. Parang 'di naman porke’t loveteam, ipipilit niyo na iyong sarili niyo sa isa’t isa.

"Gagawin niyo  to, la la la la, so tayo na bukas,' ganyan. You know what I mean, di ba?"

Elmo: "Sa amin, hindi naman namin dinaan sa shortcut para maging maganda iyong outcome ng career namin, para magkaroon kami ng relationship.

"Ang ginawa namin, ginawa na lang namin yung kung ano'ng kaya namin. 'Tapos iyon, iyong results naman parang nagustuhan naman ng tao.

"Kita naman nila iyong side namin na sumaswak naman siya, gumagana naman."

Sa labas ba ng trabaho ay talagang close sila sa isa't isa? Nagkaka-text ba sila o di kaya'y magkasamang lumalabas?

Elmo: "Sometimes, yes. Pag group, minsan, lumalabas kami minsan.

"Minsan pag sa work, habang may free time pa, lumalabas.

"Pero iyon nga, iyong motivation na rin namin sa isa’t isa, kapag magwo-work kami, ginagawa talaga namin iyong best pag iyong on-cam."

So may effort on their part para maging effective ang kanilang loveteam?

Elmo: "Yes! May effort naman, e. Effortless nga, pero may effort din."

TALENTED SINGERS. Parehong kilala ang dalawa sa talento nila sa pag-awit, kaya naman hindi pinalampas ng PEP ang pagkakataong marinig ang kanilang mga tinig up close.

Piniling awitin ni Julie Anne ang "I'll Be There," na isa sa mga cuts ng kanyang self-titled album released this year.

Ito raw ang kantang idine-dedicate niya kay Elmo.

Julie Anne: "Kasi sa dami ng pinagdaanan namin ni Mo... sa two years namin magkasama and sa two years naming magka-tandem and magka-partner, ‘tapos naging loveteam na nga kami, gano’n, ang dami nang nangyari.

"Ang daming issues, ang daming intrigues, and what... basta ang daming happenings.

"Pero no matter what, we’ll stand for each other. I’ll always be here, siyempre."

Pinili naman ni Elmo ang kanta ng kanyang ama na “Girl Be Mine” para sa kanyang Just One Summer co-star.

"Wala lang! Feel ko lang. Kasi iyong song is very happy, about a girl. Bagay kay Julie iyong song," paliwanag niya.

Paano niya nasabing bagay kay Julie Anne ang naturang kanta?

"Kasi... ewan ko! Minsan kasi kinakanta namin iyon. Wala lang, feeling ko nakaka-enjoy siya.

"Minsan kasama ko si Julie tapos kakantahin namin iyon. So iyon, lagi ko naiisip si Julie pag iyon iyong song na naririnig ko."

Iyon ba ang paborito nilang kanta together?

Elmo: "For me, oo!"

Ano naman ang maituturing nilang unforgettable song?

Julie Anne: "'Pyramid,' kasi iyon iyong pinakaunang-unang kanta na kinanta namin together, and it really is memorable."

MUSINGS ON SHOWBIZ. From being unknown characters ay unti-unti na ngang nakikilala sina Julie Anne at Elmo bilang promising loveteam at individual talents ng kanilang henerasyon.

Ano ba ang mga bagay na nagugustuhan nila sa showbiz?

Elmo: "Gustung-gusto ko sa showbiz, you get to express yourself talaga. Marami kang puwedeng gawin, lalo na if you’re a performer.

"Puwede ka kumanta, sumayaw, umarte… puwede ka mag-host, so marami ka talagang dadaanan.

"At iyon is, for me, important, kasi iyon talaga yung passion ko—mag-perform.

"Nasanay na ‘ko from before pa. Mahirap na mawala sa ‘kin this kind of lifestyle talaga.

"May mag-i-interview sa ‘yo, bigla na lang, tapos may magpapa-picture sa ’yo. So iyon, natutunan ko rin iyon sa family ko.

"Right now, pinag-aaralan ko pa rin. Nagugustuhan ko naman siya up to now."

Julie Anne: "Ako, siyempre, nase-share ko yung talents ko sa iba, what God have given me.

"And gusto ko rin iyong part na nakakapagpa-inspire ako ng maraming tao.

"So whatever I do here in this industry, and of course, mas lalo akong ginaganahan talaga kasi nag-e-enjoy ako talaga dito."

Masaya ba sila sa nagiging takbo ng kanilang career sa ngayon?

Julie Anne: "Yes, of course. Lalo na ngayon, parang sobrang dami naming nare-receive na opportunities.

"And nagpapasalamat nga kami sa [Kapuso] network sa chance na magkaroon nga ng napakaraming projects, at saka mga shows together.

"And ito iyong isa sa mga turning point ng mga career din namin."

May nakikita ba silang downsides ng showbiz na hindi nila nagugustuhan?

Julie Anne: "Medyo biased siya [showbiz] before. Ako, before, I feel really left out talaga.

"I understand naman kasi hindi naman po maiiwasan na sobrang daming prejudices and judgements.

"Basta ang importante is just keep on striving hard and don’t lose hope.

"Never think na hindi para sa ’yo ‘to. Basta always ask guidance from the Lord."

Limang taon din ang hinintay ni Julie Anne bago dumating ang kanyang big break, kaya ipinagpapasalamat niya ang natatanggap na blessings ngayon.

Elmo: "Sa ‘kin naman, tingin ko iyong mahirap is iyong para masabi kang artista e bawal ka na magkamali sa kahit anong aspeto ng gawin mo.

"Parang ang tingin nila sa inyo ay perpekto. Pag nagkamali ka, marami nang titira sa ’yo ng kung anu-ano.

"And 'di naman porket kasama kami sa industry na 'to ay 'di na kami puwedeng magkamali.

"Hindi naman namin sinasadya iyong mga mistakes namin and, you know, nagso-sorry naman po kung may mali."

Idinagdag din ni Elmo na itinuturing niyang learning experience ang bawat pinagdadaanan niya sa showbiz.

Elmo: "I am 18, I just turned 18 this year. If you think about it, showbiz is actually like school.

"Kapag bago ka pa lang sa industry, para kang first year high school.

"Sa school, hindi naman lahat nakakakuha ng perfect score, so lahat naman nagkakaroon ng mistakes.

"As you get older, mas marami ka nang nakukuhang experiences, mas natututo ka na, mas gumagaling ka.

"Nagle-level up ka sa mga years mo, kaya finally magga-graduate ka rin ng next level."

Maraming kabataan ang humahanga sa kanila, karamihan ay nangangarap na maging successful gaya nila.

May conscious effort ba on their part na maging role models?

Julie Anne: "We should be careful with our actions."

Elmo: "When you’re here, even though you don’t want to be like a role model, you still have the responsibility [because] of having lots of followers.

"Nando'n na iyon, e! If nandun na iyon, dapat nandiyan ka para magbigay ng magandang message.

"Iyon din naman ang ginawa ng dad ko, so dapat iyon na din ang ibigay ko."

May dagdag na pressure ba sa part ni Elmo dahil anak siya ni Francis M?

Elmo: "Of course! Obviously parang mas pressure nga iyon for me kasi people expect a lot.

"I’ve changed a lot from before. Hindi pa naman ako ganito ka-competitive as before. I wasn’t really into it before, na ganun ka-driven.

"Now, I am super into this and I’m really driven to do the best that I can."

Paano naman nila hina-handle ang kanilang detractors?

Elmo: "Okay lang! Sometimes it gets to my head pero di ko naman inaano."

Kailan nila masasabing "sobra na" ang ginagawang paninira sa kanila?

Elmo: "When people spread rumors or when they talk about you in a different way or when they talk nonsense about you.

"Pag marinig mo iyon, ano ba naman reaction ng tao? Kahit na 'di ka artista.

"Ano ba naman reaction mo kung marinig mo na may nagsasalita sa 'yo na alam mong hindi totoo tungkol sa ‘yo?

"Siyempre, mapi-feel mo na betrayed ka or mapi-feel mo na parang walang tiwala sa ’yo yung tao. Siyempre, gano'n talaga mapi-feel mo."

Julie Anne: "Ako, sobrang sensitive kong tao.

"Even before, makabasa lang ako ng comment sa YouTube nang 'di maganda, sobrang masasaktan na ako at ma-o-offend na ako, at itatatak ko sarili ko na, 'Ganito ba talaga ako?'

"Pero ngayon, I’m learning to be strong and tough na, para di ako maapektuhan kahit ano man ang sabihin nila.

"I know it’s really hard to please every one. Pero, siyempre, di ba, parang kapag celebrity ka or artista ka, parang ang taas din ng expectation nila sa 'yo, ng mga tao.

"So, parang kailangan mo pang mahigitan ‘yon or lampasan pa ‘yon."

CLICK HERE to watch PEP Talk.

JULIE & ELMO PART TWO. Marami pang ikinuwento at ibinuking sina Julie Anne at Elmo tungkol sa sarili nila at sa isa't isa.

Kabilang na rito ang kanilang secret crushes!

Abangan ang ikalawang bahagi ng PEP Talk with Julie Anne San Jose and Elmo Magalona sa darating na mga araw...

No comments:

Post a Comment