Walang pinaligtas ang hagupit ng habagat matapos na maging biktima din ng malawakang pagbaha ang bahay ng ilang mga artista tulad nila Kean Cipriano at Xian Lim, parehong parte ng Star Magic film na The Reunion.
Nito lamang Biyernes sa morning show na KrisTV, ibinahagi ni Xian ang karanasan sa pinabagong trahedya na hinarap ng bansa.
Ani Xian, kasama ang bahay nila sa Cainta, Rizal sa mga lumubog sa baha.
“Baha hanggang dibdib ang tubig," ani Xian na idinagdag na hindi pa din naalis ang tubig baha sa kanilang bahay.
“Bungalow kasi ang house so walang second floor. At least mayroong isang step at nandoon sa isang step ‘yung mga gamit. Pumasok ‘yung tubig at hanggang ngayon may tubig pa rin.”
Sabi pa ng aktor ang kanyang magulang ang nag-aayos ngayon sa kanilang bahay na binili din ng kanyang ina may 30 taon na ang nakakaraan.
Sa kabila naman ng pagbaha, nagawa pa ni Xian at iba pang Star Magic artists ang magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng pag-ulan at pagbaha.
Maliban sa pagwasak ng mga kagamitan at tahanan sinasabing may 60 buhay na ang binawi ng pagbaha sa Metro Manila at kalapit probinsiya dahil na din sa walang tigil na pagbuhos ng ulan nitong mga nakaraang araw na dala ng habagat.

No comments:
Post a Comment