Tuesday, August 14, 2012

Ogie Alcasid sinaving ayaw pasukin ang pulitika

Ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang isa sa mga maagap na tumulong sa mga nasalanta nung kasagsagan ng ulan at baha noong nakaraang linggo.

Kuwento ni Ogie sa Hot Pinoy Showbiz, “Noong first day, Tuesday yun [August 7], nasa bahay lang kami kasi grabe ang ulan.

“So, noong Wednesday kami kumilos. Umaga pa lang, umalis na kami, nagpunta kami ng grocery.

“Tatlong lugar ang binigyan namin—sa Victory, sa Kapuso, and then, yung isa, tinext ko si Tates Gana. Sabi niya, ‘Sa clubhouse ng Libis.’

“So, noong papunta kami, grabe ang baha!

"Sa C-5 at Katipunan, akala ko hindi kami makakauwi. Kasama ko si Misis at saka yung aso.”

Nakausap ng PEP si Ogie sa last taping day ng My Daddy Dearest noong Sabado, August 11, sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite.


ANOTHER ONDOY. Sa kalakasan ng pag-ulan noong isang linggo, hindi na raw nagulat si Ogie na naulit nangyari noong bagyong Ondoy (2009).

“Kasi sa bahay namin, hindi mo mararamdaman, wala rin namang hangin.

“So, kapag napapanood mo sa TV, doon ka maaano, tapos lumalakas ang ulan.

“Parang gusto mo, ‘Tama na… tama na!’ Para kang tino-torture sa iba.

“Si Misis naman, nagre-retweet, nag-re-retweet. Ang galing ng Twitter… yun ang kagandahan ng Twitter.”


POLITICS. Pagkatapos ng kuwentuhan tungkol sa kalamidad, pulitika naman ang aming tinalakay.

Si Aga Muhlach kasi ay nagsabi noon na hindi papasok sa pulitika, pero ngayon ay nakatakda nang tumakbo bilang congressman sa Camarines Sur.

Biro ni Ogie, “Alam ninyo, alam ko na magkamukha kami [ni Aga]. Hindi naman nangangahulugan na ang magkamukha, pare-pareho ng mithiin.”

Sinasabing mas qualified pa nga si Ogie kumpara sa ibang pumapasok, pero ayaw naman niya. Bakit nga ba?

“Ayoko ng stress,” mabilis niyang sagot.

Ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang isa sa mga maagap na tumulong sa mga nasalanta nung kasagsagan ng ulan at baha noong nakaraang linggo.

Kuwento ni Ogie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Noong first day, Tuesday yun [August 7], nasa bahay lang kami kasi grabe ang ulan.

“So, noong Wednesday kami kumilos. Umaga pa lang, umalis na kami, nagpunta kami ng grocery.

“Tatlong lugar ang binigyan namin—sa Victory, sa Kapuso, and then, yung isa, tinext ko si Tates Gana. Sabi niya, ‘Sa clubhouse ng Libis.’

“So, noong papunta kami, grabe ang baha!

"Sa C-5 at Katipunan, akala ko hindi kami makakauwi. Kasama ko si Misis at saka yung aso.”

Nakausap ng PEP si Ogie sa last taping day ng My Daddy Dearest noong Sabado, August 11, sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite.


ANOTHER ONDOY. Sa kalakasan ng pag-ulan noong isang linggo, hindi na raw nagulat si Ogie na naulit nangyari noong bagyong Ondoy (2009).

“Kasi sa bahay namin, hindi mo mararamdaman, wala rin namang hangin.

“So, kapag napapanood mo sa TV, doon ka maaano, tapos lumalakas ang ulan.

“Parang gusto mo, ‘Tama na… tama na!’ Para kang tino-torture sa iba.

“Si Misis naman, nagre-retweet, nag-re-retweet. Ang galing ng Twitter… yun ang kagandahan ng Twitter.”


POLITICS. Pagkatapos ng kuwentuhan tungkol sa kalamidad, pulitika naman ang aming tinalakay.

Si Aga Muhlach kasi ay nagsabi noon na hindi papasok sa pulitika, pero ngayon ay nakatakda nang tumakbo bilang congressman sa Camarines Sur.

Biro ni Ogie, “Alam ninyo, alam ko na magkamukha kami [ni Aga]. Hindi naman nangangahulugan na ang magkamukha, pare-pareho ng mithiin.”

Sinasabing mas qualified pa nga si Ogie kumpara sa ibang pumapasok, pero ayaw naman niya. Bakit nga ba?

“Ayoko ng stress,” mabilis niyang sagot.

“Ano ba ang tamang sagot diyan?” natawang sabi niya.

“Wala rin naman kasi akong choice, they [GMA-7 management] are the one.

"Pero ang maganda naman kasi sa kanila, like itong soap na ito, binagay nila sa akin.

“Hindi naman nila ako bibigyan ng role ko, halimbawa… isda.

"Ibig kong sabihin, pag-iisipan din nilang mabuti kung ano ang bagay sa akin.

“Sa ngayon, gusto ko naman na magpahinga ng konti.”


LOVE INTEREST. Habang kausap namin si Ogie, lumapit sa table si JC Tiuseco, ang isa cast members ng My Daddy Dearest.

"Ka-loveteam" ni Ogie serye si JC kapag babae ang karakter niya. Base sa mga feedback, ang daming naaaliw sa kanilang dalawa.

“E, di effective kaming loveteam?” natatawang reaksiyon ni Ogie.

Pero ayon kay JC, hindi raw nito kaya ang ginagawa ni Ogie na pagba-bakla o pagdadamit-babae.

        

Sabi naman ni Ogie, “Naku, sabi niya lang ‘yan, mahirap kasing umarte kapag may abs [abdomen]!”

Kilala kasi JC na may magandang pangangatawan.

Pero sa dami na ng ginawang gay roles ni Ogie ay hindi yata siya kailanman nailang?

Sagot niya, “Ano pa ang ikaiilang ko? Nasa beach nga kami, nakahubad ako!

“Sabi ko nga sa kanila, galing ako sa Amerika, pumunta ako kay apl.de.ap.

“Pagdating ko rito, ang una kong eksena, lumalabas ako sa isang cocoon na halos nakahubad ako sa initan… malagkit, pawisin.

“Pero ganoon lang talaga ang trabaho—tiisin mo.”


FAMILY’S REACTION. Ano ang reaksiyon ni Regine tuwing gumaganap siyang gay?

“Sabi niya, ang landi-landi ko raw.”

Paano naman ang dalawang anak niyang babae kay Michelle Van Eimeren, his first wife, na sina Leila at Sarah?

“Alam naman nilang trabaho!” natatawa niyang sabi.

Kapag nakakapagsalita na ang anak nila ni Regine na si Nate, ano kaya ang magiging reaksiyon nito sa kanya?

“Yun ang malilito. Kasi kung minsan, umuuwi ako, may make-up pa 'ko.

“Siyempre, nagtatanggal ako bago matulog. Minsan sinasadya ko!” tawa na naman niya.

REGINE RETURNS. Si Regine ay nagbalik-showbiz na. Bumalik na siya sa Party Pilipinas, may bago rin siyang show (H.O.T. TV), may pelikula, at may gagawin ding concert sa November.

“Good,” sambit ni Ogie.

“E, siyempre, na-miss din siya ng mga fans.

"At saka, siyempre, may obligasyon siya, di ba? She has to honor that contract.

"Siya kasi, noong una, parang, 'Kailangan ko na bang magtrabaho?'

"Kasi nami-miss niya ang anak niya, hindi ako ang nami-miss niya.

“Pero siguro ano, sabi niya nga sa akin, 'At least ngayon, gagaan ang schedule mo, ako naman ang magtatrabaho.'”

May usapan sila na siya naman ang mas may oras sa bahay?

        

“Medyo,” sabi ni Ogie. “Well, pinag-uusapan namin na sana… mas. Na ganoon naman.”


SHOWBIZ FAMILY. Kasama sa bagong station ID ng GMA-7 si Nate at masasabing ito na ang umpisa ng pagse-share nina Ogie at Regine sa kanilang anak sa publiko.

Sabi naman ni Ogie, “Hindi, nakakatuwa nga si Nate.

"Kapag nasa labas kami, yung mga tao, ‘Uy, si Nate! Si Nate!' Siya na ang pinagkakaguluhan.

“At saka diskarte ng nanay 'yan. Ang sa akin, kung ano ang gusto.”

Nakikita ba niya ang na ilang taon mula ngayon, silang tatlo nina Regine at Nate ay magkasama sa isang pelikula o sitcom?

“Ilang taon na 'ko noon?” napaisip niyang sabi.

        

“Hindi malayong mangyari yun kasi, ‘ika nga, nasa dugo. Kung saan ka exposed.

"But, hindi ko alam.

“Although sa ngayon, hindi ko pa... cute siguro.

"Pero yung asawa ko, yun ang walang patid siguro na… kasi yun, kung ano ang gawin ng anak ko, maganda, e.”


MORE KIDS? Plano na ba nilang sundan si Nate?

“Ewan ko sa asawa ko, feeling ko, gusto niya. Parang gusto niya, may kapatid si Nate.

“At palagi niyang nababanggit na minsan, nananaginip siya na babae naman.

“Sa akin, mas madali nga ang trabaho ko, di ba? Sandali lang naman yun!” natawang sabi ni Ogie.

“E, siya, matagal ang trabahey [trabaho].

"So, you know, it’s really up to her. Sa akin, walang kaso yun.

“Basta will ni God, ganoon naman kami.

"E, siya, yung last pregnancy was not that easy.”

No comments:

Post a Comment