Naabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dennis Trillo, kasama sina Meryll Soriano at Baron Geisler, sa opisina ni direktor Brillante Mendoza noong August 1, 2012.
Doon ginanap ang story conference nila para sa bagong pelikulang gagawin ni Direk Brillante.
Nailabas na ang ilang bahagi ng panayam na ito kay Dennis sa Ang Latest ng TV5 noong Miyerkules, Aug. 8.
Ayaw nang i-entertain ni Dennis ang mga tanong tungkol sa isang movie critic na diumano’y hindi maganda ang isinulat tungkol sa Cinemalaya entry niyang Ang Katiwala.
Ayaw na raw kasi niyang mag-imbibe ng negative things ngayong marami siyang proyektong gagawin.
Kaya naman nagpapasalamat na lang siya sa mga taong tumangkilik sa kanyang pelikulang isinulat at idinirek ni Aloy Adlawan.
Aniya, “Okay naman, masayang-masaya din kami dun sa resulta ng pelikula. By the way, salamat sa lahat nang nanuod sa Cinemalaya. Salamat sa lahat ng tumangkilik.
"Ang balita ko po ay extended po siya sa Trinoma. So, sa lahat ng hindi nakapanuod sa festival ay pwede makapanuod pa kayo.”
Ibinalita rin ni Dennis na sunod-sunod ang kanyang gagawing proyekto ngayong taon. Bukod kasi sa pelikulang gagawin niya with Direk Dante, may gagawin pa siyang entry para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012.
BUSY CAREER. Kuwento niya, “Meron din akong isang gagawing pelikula sa Shake, Rattle and Roll 14 naman, by Chito Rono. Pang MMFF.”
Hindi naman daw bago para kay Dennis ang gumawa ng horror film.
Pagdedetalye nito, “Marami na, hindi ko na lang alam kung pang ilan. May nagawa na ako dati, yung Kulam (2008), kay direk Jun Lana. Tarot (2009) kay Jun Lana din.”
“May Shake, Rattle and Roll 9 na rin ako dati. Kay Direk Mike Tuviera naman.”
Sunod na idinetalye ni Dennis ang bago niyang pelikula kay Direk Brillante. Aniya,“May bago rin akong gagawing pelikula with Direk Brillante Mendoza bago ang filmfest.”
“Kasama ko si Merryll Soriano at Baron Geisler.”
Excited daw si Dennis na makatrabaho si Brillante Mendoza dahil alam daw niyang napakagaling nito.Kaya naman magkahalong emosyon ang nararamdaman niya.
“Excited talaga ako, oo naman, Cannes best director. Siyempre, kinakabahan dahil ano e, nakita ko na yung iba niyang ginawang pelikula, talagang lahat talaga kailangang mag-sakripisyo talaga, para pagandahin.”
“Yung iba isu-shoot sa bundok, yung iba isu-shoot sa mga mahihirap na location, pero itong gagawin namin ibang klase din. Tsaka, first time ko talagang gumawa ng ganitong klaseng pelikula kaya dapat abangan nila yun.”
Pagdating naman daw sa mga proyekto ay hindi siya mapili, basta't mabigyan niya ng justice ang mga role na ipinagkatiwala sa kanya.
Lahad pa niya, “Oo, hindi naman [mapili]. Yes, mabigyan ng justice, and I see to it na sa bawat proyektong ginagawa ko, naiiba dun sa mga nauna kong ginawa.
"Para, alam mo yun, hindi naman magsasabi yung mga manunuod at sabihing 'Ay, nakita ko na’yan , nagawa na niya yan dun sa nakaraan niyang pelikula.'”
PRIVATE LOVELIFE. Halata namang in-love si Dennis sa kasalukuyan sa girlfriend na si Bianca King, pero gusto raw nilang gawing private ang kanilang relasyon.
Sa tanong ukol sa relasyon nila ni Bianca, eto ang tugon niya, “Wala naman, ganun pa rin, tahimik at mas pribado at mas na-eenjoy at mas masaya din.”
Paano kaya nila napanatiling pribado ang kanilang samahan gayong pareho silang nasa showbiz?
Tugon niya, “Wala lang, hindi lang masyadong pinag-uusapan, umiiwas lang sa mga tsismis at sa, alam mo ‘yun, sa mga hindi na kailangang banggitin. Basta mas tahimik, mas maganda.”

No comments:
Post a Comment