Nagdesisyon mang tuluyan nang maghiwalay ng landas sa kabila ng kanilang gumagandang pagtitinginan, nakiisa sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa tumulong sa mga nasalanta ng matinding baha sa maraming lugar.
Matapos ang kanilang desisyong “maghiwalay”, tumungo sa Egypt si Gerald, samantalang si Sarah naman ay sa Hong Kong noong isang linggo para sa maiksing pahinga.
Sa kasagsagan ng pagbuhos ng matinding ulan noong Martes (Agosto 7), nakipagtulungan si Gerald sa Philippine Red Cross para tulungan ang mga nangangailangan sa Pasig at San Juan. Matatandaang si Gerald ay hinangaan dahil sa pagsuong niya sa baha noong 2009 upang tulungan ang ilan sa kanyang mga kapitbahay dahil sa taas ng tubig. Noong 2010 naman ay nakipagtulungan din siya sa Armed Forces of the Philippines upang magbigay naman ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro.
Noong Sabado naman, Agosto 11, personal na nag-abot ng relief goods si Sarah sa mga biktima ng baha sa Fairview, kasama ang Sagip Kapamilya. “Dito po masusubok talaga ‘yung pagtutulungan bilang Pilipino,” ani Sarah. “Marami na po tayong calamities na napagdaanan. Magkapit-bisig lang po tayo, magtulungan lang po tayo. Itabi ‘yung mga sama ng loob kung anuman po ‘yan. Magmahalan tayo at magdasal tayo, wala po tayong pagsubok na hindi malalampasan.” Puring-puri pa ng dalaga ang katangian nating mga Pilipino, na sa kabila ng mga pagsubok ay hindi nawawala ang ngiti sa ating mga labi.
Nang tanungin naman ang kalagayan ng kanyang puso, ang kanyang maiksi subalit malaman na tugon ay, “ Kung ito nga (na pagbaha) kinakaya natin, ito (personal na issue) pa kaya ‘di ko kakayanin?”

No comments:
Post a Comment