Saturday, September 22, 2012

Angelica hindi naging happy sa relasyon kay Derek

'Dapat alam mo 'yung pwedeng ibigay at 'yung mga di pwedeng ibigay para maiiwasan mo ang masaktan... ang malungkot.'

Wala mang kumpirmasyon, wala rin pagtangging ginawa ni Angelica Panganiban sa isyunbg may relasyon na umano sila ni John Lloyd Cruz.

"Kung ano ang nakikita n'yo sa panlabas, 'yun din ang nakikita n'yo sa loob. So, hindi ko na kailangang mag-explain pa kung ano 'yung nararamdaman ko," ito ang buod ng panayam sa aktres sa ginanap na press conference ng kanyang shampoo endorsement noong Agosto.

Matatandaang early August din ay nag-post ng picture si Angelica with John Lloyd na may title na "perfect Sunday" na pinakamalapit na pag-amin ng dalawa na maaaring may namamagitan  na sa kanila.

Tinanong si Angelica kung gaano kasaya ang mga araw niya ngayon kumpara noong mga nakaraan. Aniya, ayaw niyang magkumpara. "Ang sa akin lang kung nararamdaman ko na paganda nang paganda ang bawat araw na meron ako, hindi ko 'yon kailangang hingin sa ibang tao. Nararamdaman ko 'yon sa sarili ko dahil nahanap ko kung ano'ng gusto kong ma-achieve; 'yung panahon sa sarili ko, maalagaan ang sarili ko, pagandahin lalo ang sarili ko. Mukha namang achieve na achieve ang kagandahan na 'yon."

Kinumpirma rin niya na totoo ang ibinalita ni Boy Abunda sa The Buzz TV previously na si John Lloyd Cruz nga ang nag-post ng picture nila sa Internet na may pamagat na "perfect Sunday" gamit ang Instagram niya.

Noong una ay naging matipid ang aktres hinggil sa isyu nila no John lloyd, subalit bandang huli ay nagsalita na rin siya at nakiusap na hayaan na muna siya sa kanyang personal na buhay.

"Siguro naman obvious sa inyong lahat kung ano'ng meron ako noon (relationship with Derek Ramsay). HIndi ko naman 'yon itinago, hindi ko naman 'yon ipinagdamot. Siguro may karapatan din naman akong huwag magsalita at piliin kong manahimik at hayaan n'yo munang ma-enjoy ko 'yung privacy at 'yung happiness na meron ako ngayon. In time, darating tayo d'yan. KApag nagdesisyon ako o bumait akong magsalita at i-share sa inyo kung ano man ang nararamdaman ko, sobrang proud akong gawin 'yon... pero ngayon hayaan n'yo nalang munang nasa ganito."

Ilang beses binanggit ni ANgelica noong event na iyon na masaya siya sa estado ng kanyang buhay. Nang taningin siya kung paano niya ito nahanap, ang sagot niya, "MAhalin mo ang sarili mo kasi pag doon ka nagsimula, masaya ka na pala agad. 'Yung hindi mo na kailangan ng ibang tao para ma-appreciate ka kasi alam mo na ang hangganan mo, alam mo na 'yung magpapasaya sa'yo, ano 'yung pwedeng ibigay at ano'yung mga hindi pwedeng maibigay at maiwasan mo 'yung masaktan, 'yung malungkot, di ba?"

Samantala, sa episode ng The Buzz noong Agosto 19, sinabi ni Boy Abunda na nalaman niya sa isang mapagkakatiwalaang source na hindi pa raw talaga magkarelasyon sina Angelica at John Lloyd at kinikilala pa nila ang isa't isa. DAgdag pa ng source, hindi umano minamadali ng aktres ang magkarelasyon muli dahil natuto na ito sa previous relationship with Derek Ramsay na nagtagal din ng limang taon bago nauwi sa hiwalayan.

No comments:

Post a Comment