Tuesday, September 25, 2012

Angeline Quinto todo ang workshop sa pag-arte

Dahil sa gustong maging mahusay na aktres, puspusan ang pagwoworkshop ngayon ni Angeline Quinto.

Hinahangaan ni Angeline hindi lamang ang istilo ng pag-awit ni Sarah Geronimo kung di pati ang husay nito sa pag-arte. Mahigit 10 years na kase si Sarah sa showbiz, at alam naman natin na nagsisimula palang si Angeline.

Okay lang naman ang pag-arte ni Angeline sa una niyang pelikula katambal si Coco Martin na Born To Love You. Subalit ayon sa magaling na singer, nais niya pang matuto kung paano umarte ng natural at pinapangarap din niyang maging isang beteranang aktres sa pelikula.

No comments:

Post a Comment