Isang dream-come-true para kay Diana Zubiri na finally ay Kapamilya na siya. Recently ay pumirma na ng kontrata si Diana with ABS-CBN. Kuwento ng aktres, noong 15-anyos pa lang siya ay pumipila na siya mapabilang sa Star Magic Star Circle mula Batches 6-10. “After that 15 years and long journey, andito na po ako,” ani Diana sa The Buzz kahapon.
Naging aktres sa loob ng maraming taon si Diana sa kabilang istasyon at nagpahinga siya mula sa showbiz noong 2008 dahil siya ay nag-asawa. Subalit hindi iyon nagtagal dahil pagkatapos ng dalawang taon ay pumanaw ang kanyang mister dahil sa sakit na liver cirrhosis. Kuwento ni Diana, ikinasal na sila nang malaman niya na may karamdaman pala ang kanyang kabiyak pero hindi iyon sinabi sa kanya ng asawa. Napaghandaan na raw ito ng mister. “Ayaw niyang makita ako na nasasaktan. At that time nung alam niya na papunta na siya sa ganon ang sabi ko naman ako ngayon parang di ko alam kung paano ko ‘yan tatanggapin kung dumating pa sa point na wala na siya,” kuwento ng aktres.
Dugtong pa niya, dumating daw siya sa puntong labis na dalamhati ang naramdaman niya at nag-breakdown daw siya nang makita niya ang kalagayan ng asawa sa ospital at akala niya ay ang mga ganitong eksena ay nangyayari lamang sa pelikula.
Subalit ngayon ay natutunan na raw niyang isipin na lamang ang magagandang alaala nilang mag-asawa. “Ngayon pag naaala ko na siya nagiging masaya naman ako kasi ‘yung memories na pinagsamahan namin sobrang saya, walang maitapon. Maganda ang pag-alala ko sa kanya,” sabi ni Diana.
Nagbalik din sa pag-aaral si Diana at sa kasalukuyan ay nasa third year college na at kumukuha ng kursong Theater Arts. “Noong nag-artista ako ‘yun ang dapat nagko-college ako. Ngayon lang ako nabigyan ng opportunity na mag-college na masaya. So ngayon ko siya pinupursige kasi andito na po ako.” Inaalagaan umano niya ngayon ang kanyang pag-aaral at malaking bagay kapag nilalapitan siya ng mga tao upang sabihin na bilib sila sa muli niyang pagbabalik sa pag-aaral.
Sa kanyang pagbabalik showbiz, kabilang daw sa mga gagawing proyekto ni Diana ay isang episode ng Maalaala Mo Kaya at bagong teleserye kung saan ay makakasama niya sina Gerald Anderson at Cristine Reyes.

No comments:
Post a Comment