Sunday, September 9, 2012

John Lloyd Cruz binasag na ang katahimikan tungkol sa estado ng relasyon nila ni angelica

Wala mang malinaw na pag-amin tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Angelica Panganiban, binasag na rin ni John Lloyd Cruz ang kanyang pananahimik tungkol dito.

Nangyari ito sa interview sa matinee idol at box-office star na ginawa ni Boy Abunda para sa ABS-CBN Sunday showbiz talk show na The Buzz, nung nakaraang Linggo, September 2.

(CLICK HERE to read related story.)

Tatlong araw matapos ng kanyang TV interview, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News si John Lloyd sa bloggers’ presscon para sa pelikula niyang The Mistress.


Ginanap ito noong Miyerkules, September 5, sa 9501 Restaurant ng Kapamilya network, at dito ay sinabi ng aktor na hindi "big deal" para sa kanya ang naging TV interview.

“Parang nakikita naman nung mga tao yun, e. Parang may mga salita lang akong binigkas…

“Parang hindi naman issue…[hindi] big deal.

“Parang hindi rin naman tanga ang mga tao. Makikita nila kung anong nakikita nila. Hindi naman sikreto yun.

“So, wala naman talaga akong ginawang revelation.”

Pagkatapos ng pahayag na ito ay hindi na nagpatuloy si John Lloyd ng tungkol sa kanila ni Angelica.

Sa halip ay pinili nitong magsalita tungkol sa pelikula nila ni Bea Alonzo na The Mistress, na siyang rason ng presscon para sa araw na iyon.

AGAINST MORALITY? Hiningi ng PEP ang reaksyon ng aktor sa mga nagsasabing taliwas sa moralidad ang pelikula nila ni Bea.

Tungkol daw kasi sa buhay ng isang kabit o mistress ang pelikula na nakatakda nang ipalabas sa September 12.

“Hindi naman sinasabi ng Star Cinema or ni Direk Olive [Lamasan] na ganito ang lahat ng story ng ganitong sitwasyon.  It’s just a movie.

“Si Inang [palayaw ni Direk Olive], si Vanessa [Valdez, nagsulat ng istorya] wants to tell a story.

“Hindi naman namin sinasabi na sinusuportahan ng pelikula ang pagkaaroon ng affair. It’s just a movie, it’s just a story.

“It’s just a movie na, feeling namin, nagawa sa magandang paraan, that was shot beautifully.

“In the cast, you have Hilda Koronel, Ronaldo Valdez…

“And this movie celebrates our ten years in the business, and sa marami pang dahilan kung anong mayroon pa ang pelikulang ito. Sana hindi siya palampasin.”

Sampung taon nang nagkakapareha sina John Lloyd at Bea sa showbiz. Unang nagtambal ang mga ito noong 2002, sa ABS-CBN teleserye na Kay Tagal Kang Hinintay.

Unang pelikula naman ng kanilang loveteam ay noong 2003, sa "Two Hearts" episode ng My First Romance, kunsaan kasama nila ang loveteam nina Heart Evangelista at John Prats.

Masasabi ba ni John Lloyd na ang role niya sa The Mistress ang pinaka-offbeat role na nagampanan niya?

 Prangkang sagot ng aktor, “No. I think my role as Noel in In My Life was more offbeat.”

Sa pelikulang In My Life, taong 2009, ginampanan ni John Lloyd ang papel ng lover ng gay character ni Luis Manzano.

“It should be interesting just to think of movies na puwede naming gawin after this one,” balik ni John Lloyd sa The Mistress, at sa mga puwede pa raw nilang gawin ng ka-loveteam na si Bea.

BEA’S MOVIE. Ano naman ang komento niya sa sinasabing pelikula raw ni Bea ang The Mistress dahil para sa aktres ang titulo?

“Na-encounter ko na ang tanong na 'yan. Walang pinagkaiba 'yan sa I Love Betty La Fea,” banggit pa ni John Lloyd sa 2008 TV series nila ni Bea.

“Parang ganun lang ang tinatanong, parang, ‘Ok lang ba sa iyo na hindi ikaw ang title role?’

“Sa akin, hindi yun issue. Kung anuman ang support na kaya kong ibigay kay Bea, ibibigay ko.

“Hello, that’s ten years of being a tandem.

“Lagi ko ngang sinasabi na malaking part si Bea kung ano ang narating ko as an actor. Malaking bahagi si Bea ng identity ko as an actor.

“Nakaapekto rin yun kung sino ako as a person.

“Kung yun lang, parang nakakatawa naman na kahit title role siya ay magkakakaroon ng issue.

“Malabo yun, kasi ibibigay ko lahat para kay Bea,” patuloy na pahayag ni John Lloyd.

WHAT REALLY MATTERS. Halos lahat ng mga pelikulang pinagsamahan nina John Lloyd at Bea ay naging blockbuster at tumabo sa takilya.

Pero para sa award-winning actor, ang mahalaga raw ay alam niyang maganda ang pelikulang ginawa niya, kumita man ito o hindi.

“Kabahan ka kapag hindi maganda ang pelikula mo,” sabi ni John Lloyd.

“Kasi kapag maganda ang pelikula, kahit hindi kumita 'yan o hindi tumabo sa takilya, kaya mong umuwi at kaya mong matulog sa gabi na hindi natin ito kawalan.”

No comments:

Post a Comment