Friday, September 28, 2012

Enchong Dee Magaling Gumiling

AG-ENJOY kami sa barkada movie na The Reunion na nagbukas sa mga sinehan nu’ng Miyerkules kasabay ng Just One Summer.

Bida rito ang apat na magkakaibigan nu’ng high school na sina Lloyd (Enchong Dee), Boggs (Enrique Gil), Joax (Xian Lim) at Pat (Kean Cipriano).

Matapos ang ilang taon ay naisipan nilang mag-high school reunion. Parang walang pinatunguhan ang mga buhay nila at puro sila loser, kaya naisipan nilang itama ‘yung mga maling nagawa nila nu’ng high school.

Si Lloyd ay may kasalanan sa ex-GF niyang si Ara (Cristine Reyes), ganu’n din si Boggs sa ex na si Ligaya (Julia Montes), si Joax sa ex na si Toyang (Megan Young), at si Pat sa ex na si Shirley (Bangs Garcia).

Ka-join din sa tropa si Ali (Jessy Mendiola), ang bespren ni Lloyd na may gusto sa kanya at ang baklitang si Jay (Matt Evans).

Kababawan lang ang mga isyu at problema ng mga bagets pero cute at kwela. Panay ang tawa ng audience sa mga kalokohan at misadventures ng apat na mokong.

Sa apat na Kapamilya young actors ay pinaka-cutie pie ang tisoy na si Enrique. Ang karakter niyang si Boggs ang pinakamahilig sa chicks, pero ang true love niya ay si Ligaya na pinakasalan niya kahit putol na ang isang paa.

Si Xian ang pinakalamang sa height. Ang guwapo niya sa eksenang kumanta si Joax ng Huling El Bimbo habang nagpa-piano sila ng bagets na si Miggy (Louise Abuel).

Okey rin ‘yung drama moment ni Xian with Megan sa ospital nu’ng nalaman niyang anak niya pala si Miggy kay Toyang.

Si Enchong ang pinakamagaling gumiling nang mag-macho dancing sila sa bridal shower ni Cristine. Naka-Avengers costume ang apat: Iron Man si Kean, Thor si Enrique, Hulk si Xian at Captain America si Enchong.

Si Xian ang pinaka-corny ang outfit dahil nakamaong shorts ito habang ‘yung tatlo ay puro hapit ang suot at halos hubad na. Hindi katangkaran si Enchong pero proportionate sa height niya ang katawan niya. Ang sexy niya, in fair!

Kaimposiblehan ‘yung eksenang sumugod silang naka-Avengers costume sa airport para pigilan ang pag-alis ni Jessy, pero benta ‘yon sa fans at super laugh ang audience.

Sa apat na bida ay si Kean ang pinakamaliit at mukhang dirty. Buti na lang at marunong siyang kumanta at okey naman ang mga patawa niya.

Ang ex niyang si Bangs na dating manang ay naging hot babe at covergirl ng men’s magazine.

May eksenang sinunggaban ng halik ni Bangs si Kean, sabay patong dito. Si Enchong ay may laplapan scene din with Jessy.

Cute ‘yung pag-incorporate ng mga sikat na Eraserheads songs sa movie.

Type namin ‘yung bago at cool and hip na treatment ni Direk Frasco Mortiz sa The Reunion. Iba talaga ang youthful vibe ng mga batang direktor.

Plus factor din na sanay siya sa mga sitcom at gag show kaya epektib ang kanyang comedy at nagawa niyang maging entertaining ang nasabing bagets movie.

No comments:

Post a Comment