Friday, September 28, 2012

Happiness nina ANGELICA at JOHN LLOYD, wish ni DEREK

Ipa-partner nga si Nadine Samonte kay Derek Ramsay sa sisimulan nitong drama series sa TV5 na ang titulo ay Kidlat. Ididirek nga ito ni Mike Tuviera dahil patapos na ang series na dinidirek nito sa GMA-7 na Faithfully.

Excited na ngang umarte si Derek sa TV ulit. Huli nga niyang acting stint sa TV ay ang Magkaribal sa ABS-CBN 2. Bukod nga sa teleserye ay host din si Derek ng Amazing Race Philippines.

Tinatapos naman niya ang movie with Anne Curtis at Andi Eigenmann na A Secret Affair for Viva Films.

Ganado ngang magtrabaho si Derek dahil inspired ito sa kanyang bagong non-showbiz girlfriend. Nag-move on na nga siya dahil naka-move on na rin ang kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

Open na nga ang relasyon ni Angelica kay John Lloyd Cruz at hangad ni Derek na maging masaya silang dalawa.

No comments:

Post a Comment