Monday, September 10, 2012

Gerald Anderson at Christine Reyes Magtatambal na sa isang Proyekto

Naging kontrobersiyal ang isyu noon sa pagitan nina Cristine at Sarah Geronimo na sinasabing espesyal ngayon sa puso ni Gerald. May kinalaman si Rayver Cruz sa hindi pagkakaunawaan nina Sarah at Cristine noon. Ano kaya ang naging reaksiyon ni Gerald nang malamang makakasama niya si Cristine sa isang serye?

“Tanungin n’yo si Rayver, meron siyang sinabi noong nalaman niya na magkakatrabaho kami ni Cristine. Huwag sa akin. Pero si Rayver very supportive, alam n’yo naman ’yun, best friend ko ’yan eh. Actually, isa siya sa mga excited para sa amin pero tanungin n’yo siya kapag natiyempuhan n’yo si Rayver. Siya ang magsasabi sa inyo,” nakangiting pahayag ng aktor.

Nararamdaman ni Gerald na maganda ang kalalabasan ng tambalan nila ni Cristine lalo pa’t marami na ring nagawang serye ang aktres.

“Oo naman, familiar ako sa mga teleserye niya. ’Yung sa kanila ni Piolo Pascual (Dahil sa Pag-ibig) at siyempre ’yung Kristine series. Napakagaling niyang artista. Excited ako kasi ibang chemistry naman ang pwede naming i-offer sa tao. Hindi pa kami nag-umpisa mag-taping, but it’s a new partnership na dapat abangan ng tao. Nailatag na sa akin pero siyempre pinaplano pa. kailangang paghandaan. Sana maging magandang follow up after Budoy,” giit pa ni Gerald.

No comments:

Post a Comment