Monday, September 10, 2012

Daniel at kathryn grabeng mag-pda

Hindi lamang pala si Daniel Padilla ang maalaga kay Kathryn Bernardo dahil maalaga rin ang dalaga sa young actor. “Pasimpleng maalaga ’yan. Tulad ng hindi papayag ’yan na magugutom ka, mga ganyan. At talagang maalaga siya para sa akin, siyempre naman,” pag­lalarawan ni Daniel.

Ngayon ay excited na ang aktor dahil makapupunta na siya sa Amerika sa kauna-unahang pagkakataon kasama si Kathryn para sa Princess And I Royal Caravan tour.

“Si Kathryn hindi niya first time makakarating doon pero ako, oo. Nae-excite ako siyempre kasama ko si Kathryn ’tapos magyu-US,” smile pa ng binata.

Napabalitang madalas mag-PDA (public display of affection) sina Kathryn at Daniel sa tuwing magkasama. Agad namang nilinaw ng binata ang tungkol sa isyu.

“Hindi po kasi ako torpe at maalaga ako. ’Yun lang po ang masasabi ko. Sa mga taong hindi po nakakalapit sa babae, wala po kayo, dapat ayusin n’yo,” natatawang sagot ni Daniel.

“Hindi ko gusto ’yang PDA na ’yan, oo, nakita ko na ’yang balitang ’yan eh. Alam mo naman ’yung ibang tao. Wala naman akong pakialam at maraming salamat sa pagpapapansin ninyo,” pagtatapos ng aktor.

Sisimulan na sa susunod na buwan ang pelikulang gagawin nina Kathryn at Daniel para sa Metro Manila Film Festival. Makakasama ng dalawa sa bagong proyektong ito sina Kris Aquino at Vice Ganda.

No comments:

Post a Comment