Monday, September 10, 2012

Xian Lim hindi pa din maamin kung anu na nga ba ang relasyon nila Kim Chiu

Hanggang ngayon ’yun at ’yun pa rin ang sagot ni Xian Lim kapag nauungkat ang relasyon nila ni Kim Chiu.

“Kung ’yung wala akong inaamin ay napakarami ng negatibong lumalabas tungkol sa akin, ’yun pa kayang may aminin ako?” paliwanag niya sabay sabing hindi na lamang niya pinapatulan ’yung mga panlalait sa kanya sa Internet. “’Yun naman ang gusto nila, ang sagutin ko sila pero wala silang aasahan sa akin. Malalim na ang pagkakaibigan namin ni Kim para ilagay ko sa alanganin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga hindi magandang sinasabi nila. I just enjoy our friendship. She’s someone special. Hindi ako pressured sa kaisipan na dapat maging kami sa huli. Alam niya how and what I feel for her. Hindi lang siya, maski na ang friends niya, lalo na si Maja Salvador. Ang even my mom finds her pretty and mabait. Only time will tell kung hanggang saan aabot ang relasyon namin. We just enioy the moment.”

No comments:

Post a Comment