Friday, September 28, 2012

Gerald Anderson at Sarah itinatago na ang relasyon

Kahit na sinasabi ni Gerald Anderson na matagal na silang walang komunikasyon ni Sa­rah Geronimo, ito ay noong magdesisyon na nga si Gerald na tumigil na raw sa panliligaw kay Sarah, hindi pa rin maiiwasan na si Sarah pa rin ang inuurirat ng press kay Gerald.

Si Gerald kasi ang cover ng FHM collection ngayong taong ito at pang-apat pa lang siya sa mga lalaking artista na naging cover ng naturang men's magazine kung saan, ka-back-to-back naman niya si Melissa Ricks na siyang cover girl ng September issue ng FHM.

Ayon kay Gerald, wala na nga raw silang communication ni Sarah. Pero may usap-usapan din kasi na kesyo sinasabi lang daw nila 'yun para maitago pero ang totoo, sila naman daw talaga.

"Mahirap naman ding maghiwalay nang hindi na­ging kayo. Kumbaga, like I said, I'm very blessed to have an opportunity to share beautiful moments na kasama ko siya," sey ni Gerald.
Dugtong pa niya, "Wala na ho kaming komunikasyon. Nangyari na ho ang mga dapat mangyari so dapat, moving-on na ho talaga."

Sa ngayon daw, sinusulat pa ni Lord ang kanyang love story kaya hindi pa raw niya masasabi kung ano ang mangyayari sa future niya lalo na kung tungkol sa lovelife niya ang pag-uusapan.

"Kumbaga, isinusulat pa ni God 'yung love story ko. Parang sabi talaga ni God, 'Gerald, ang dami mo pang kailangang gawin muna.' Busy pa si God, isinusulat pa niya ang love story ko."

Wala naman daw regrets si Gerald sa mga nagawa niya at paghihintay niya noon kay Sarah. Sabi nga niya, "No regrets, I've lived my life with no regrets."

Sa tanong naman kung posible kayang in the future, ligawan niya ngang muli si Sarah, mabilis na sagot ulit nito, "Hindi natin masasagot 'yan. Tulad nga ng sabi ko, si Papa God lang ang nakakaalam. Siya lang ang may alam ng mangyayari sa future."

Sa isang banda, idinipensa pa rin ni Gerald ang mommy ni Sarah na palaging nababatikos na diumano ay dahilan talaga kung bakit kinailangan ni Gerald na tigilan na ang panliligaw kay Sarah.

"Bigyan naman po natin ng respeto at privacy ang pamilya ni Sarah, ang mommy niya, kasi no one deserves that. Kumbaga, wala ho ta­yong karapatan para mag-comment o magbigay ng ating pananaw lalo na kung masama.

"Sabay-sabay na lang tayong mag-move on and just give everybody some privacy."

 

No comments:

Post a Comment