Friday, September 28, 2012

Gerald Anderson at Sarah wala nang communication

Inamin ni Gerald Anderson na wala na silang communication ni Sarah Geronimo ngayon. Ito ay sa kabila ng haka-haka ng ilan na itinatago lang daw nina Gerald at Sarah ang sitwasyon nila, at silang da­lawa ay okay at may constant communication pa rin.

 Sabi ni Gerald, sinabi nito na wala raw silang communication at ang ginawang dahilan ay ang pagiging busy rin daw ni Sarah, huh! Pero inamin ni Gerald na special pa rin sa kanya ang dalaga ni Mommy Divine.

“She’ll always be special. ‘Yun na yun,” saad ni Gerald.

Tumigil na nga raw si Gerald sa panli­ligaw kay Sarah na siyempre pa, ikina­lungkot ng marami nilang tagahanga lalo na ang mga Sasa-Gege fans na uma­asang mauuwi na sana sa mas malalim na relasyon sa pagitan nila.

“We’re friends and sa nga­yon, that’s the most important thing, we decided to stay friends.”

Hiling din ni Gerald na respetuhin na lang daw siya, si Sarah at ang pamilya nito.

“Sa akin, bigyan lang po natin ng respeto, privacy, katahimikan ang pamilya ni Sarah. At tulad ng sinabi ko, sana, sa akin din. So, ‘yun lang ho, like I’ve said, friends kami at ‘yun lang ‘yun.

“That’s it, that’s all I need to say.”

Sa hiwalay na interview naman kay Sarah, inamin nitong may kilig naman daw lagi tuwing magkakasama sila ni Gerald at sabi nga niya, friends sila ngayon at sana raw, in time, mas lumalim pa nga ang pagkakaibigan nila.

“Alam niyo, ang friendship naming dalawa, in times, sana, ma-deepen pa ang friendship namin. Mag-blossom pa, alam niyo yun.”

On the other hand, nanatili raw single si Gerald and he’s not in a hurry na manligaw o ­magkaroon ng relasyon. In fact, noong nakaraang Star Magic Ball, solong dumating si Gerald at wala talagang ka-date.

No comments:

Post a Comment