Friday, September 28, 2012

Gerald Anderson, magpapangiti ng mga puso

KUKUROT at magpapangiti sa inyong mga puso ang unang advocacy serye ng ABS-CBN… ang Budoy.

Sa istorya, galing sa pamilya ng mga doktor ang OB-gynecologist na si Dr. Gregor Maniego (Tirso Cruz III).

Ang kanyang inang si Dr. Alberta Maniego (Barbara Perez) ay isang kilalang oncologist samantalang ang kanyang kapatid na si Dr. Isaac Maniego (Christian Vasquez) ay isang sikat na brain surgeon.

Pinakasalan ni Dr. Gregor Maniego ang sekretar­yang si Luisa (Zsa Zsa Padilla), at ang bunga ng kanilang pagmamahalan ay si Budoy (Gerald Anderson).

Ang kapanganakan ni Budoy ay isang masa­yang kaganapan sa pamil­ya Maniego.

Kaso, nadiskubre ng mga ito na si Budoy ay may Angel Syndrome.

 Mabagal ang pagkakahubog ng kanyang kaisipan.

Nagdesisyon ang buong pamilya na itago si Budoy at palitan siya ng isang normal na bata.

Aampunin si Budoy ng tagabantay niyang si Bebang (Janice de Belen).

Kababata ni Budoy si Jackie (Jessy Mendiola), na nangangarap maging guro.

Si Benjamin (Enrique Gil) ang ang kari­bal ni Budoy sa pag-ibig ni Jackie.

Tampok din sa Budoy sina Gloria Sevilla, Dante Rivero at Mylene Dizon. 

***

Mukhang kumakampi ang tadhana kay Johnny (Antonio Aquitania) sa teledramang Pahiram ng Isang Ina ng Kapuso Network.

Nang magkamalay si Emily (Carmina Villarroel), nagpasalamat itong naroon ang dating asawa.

Nagka-amnesia si E­mily dahil sa trauma. Ang alaala niya ay nanatili sa panahong bata pa si Luke (Jake Vargas).

Aba! Magkakaroon na yata si Johnny ng pagkakataong maisalin sa kanyang pangalan ang mga ari-arian ni Emily!

***

Magsisimba sina Ning (Milkcah Wynne Nacion) at Bal (Nicky Castro) kasama si Iglot sa telefantasyang Iglot ng GMA 7.

Tatakas si Iglot habang nagdarasal sina Ning at Bal.

Mangungumpisal si Iglot kay Fr. Ruben (Romnick Sarmenta)!

No comments:

Post a Comment