Wednesday, September 26, 2012

Jake nagpapakatatag sa dahil sa ina niyang may cancer

Ang nanay niya na may sakit na Stage 4 Colon Cancer ang inusisa ng entertainment press kay Jake Vargas nang dumalo ito sa presscon ng Tween Academy: Class of 2012 noong Huwebes.


Ipinagtapat ni Jake na mahina ang kalagayan ng kanyang ina at padapa na ito kung matulog dahil sa nararamdaman na sakit ng tiyan. Sa tuwing walang taping si Jake, binibisita niya ang ina sa kanilang bahay sa Olongapo City at kahit apektado, hindi raw siya nagpapakita ng awa o panghihina ng loob.


Inihahanda ni Jake ang sarili sa puwedeng mangyari sa kanyang ina dahil ang magpakatatag siya ang bilin ng tatay niya, pero naniniwala pa rin sa milagro ang batang aktor.


“Naniniwala ako sa milagro dahil dati, binigyan siya ng taning. Ang sabi ng doktor noong 2009, 4 months na lang ang itatagal niya,” ang kuwento ni Jake.


Siyam na magkakapatid sina Jake at siya ang pang-pito.

Nagpapasalamat si Jake dahil gumaganda ang takbo ng showbiz career niya kaya nakakatulong siya sa pagpapagamot sa kanyang ina.


Tatlo na ang magiging regular show ni Jake sa GMA 7 dahil  bukod sa Tween Hearts at Walang Tulugan, mapapanood na rin siya sa Pahiram ng Isang Ina, ang bagong afternoon drama series ng GMA 7.





No comments:

Post a Comment