Wednesday, September 26, 2012

JakeVargas type ni Kris Bernal

Huwag naman daw sanang magalit kay Kris Bernal ang mga fans nina Jake Vargas at Bea Binene if ever na pagtambalin in the future sina Kris at Jake.

Very vocal nga si Jake sa pagsasabi na matagal na niyang crush si Kris at gusto niya itong makatambal kapag pinaghiwalay sila ni Bea bilang loveteam.

Nakarating nga kay Kris ang sinabi na ito ni Jake at okey sa kanya ang makatambal ito dahil nakita raw niya ang paglaki nito.

“Walang problema sa akin kasi napapanood ko rin si Jake at malaki na ang improvement niya as an actor. Hindi lang siya umaarte, kumakanta pa siya. At ang guwapo pa niya. So bakit naman ako hindi papayag?”

Natuwa rin si Kris nang malaman niya na okey lang daw kay Bea na magtambal sila ni Jake. Idol nga kasi ni Bea itong si Kris.

“Nakakatuwa naman. Ako natutuwa ako sa loveteam nila at sana nga makatrabaho ko sila pareho.

Pero sa mga Ja-Bea fans, huwag silang magalit sa akin if eve­r na mag-pair kami ni Jake kasi trabaho lang naman.”

Happy nga si Kris dahil bongga ang ratings ng kanyang Hiram Na Puso na napapanood pagkatapos ng Eat Bulaga. Wala na raw lipatan ang mga televiewers ng EB dahil inaabangan nila ang mga mangyayari sa afternoon drama series ni Kris.

No comments:

Post a Comment