Wednesday, September 26, 2012

Kris Aquino maglelevel up na

Live ang first anniversary celebration ng ­morning show na Kris TV ngayon (June 25) pagkatapos ng Umagang Kay Ganda. Isang engrandeng pasa­salamat ang handog ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa lahat ng TV viewers na sumusubaybay sa programa sa loob ng isang taon na puno ng masa­yang kuwentuhan, inspirasyon at palitan ng makabuluhang karanasan.


At dahil ang Kris TV ay hindi lang isang talk show kundi isang total experience na kabahagi ang mga manonood, handa na si Kris na i-level up ang lahat para sa umpisa ng kanilang ikalawang taon -- dobleng kasiyahan, dobleng emos­yon at doble ang excitement! Patuloy na maki-bonding kay Kris at i-enjoy ang no-holds-barred kuwentuhan kasama ang pinakamalalaking personalidad sa bansa, maging artista man, politiko, athletes at iba pang kinagigiliwan ng publiko.


Patuloy pa rin ang Kris Reali-TV sa paglibot sa iba’t ibang sulok ng bansa upang tuklasin ang mga tagong yaman ng Pili­pinas. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.





Bagong programa, bagong oras at bagong tambalan ang ihahain ng ABS-CBN ngayong Hulyo sa pagbubukas ng teleseryeng pinamagatang Be Careful With My Heart, na mapapanood sa mapangahas nitong timeslot sa Prime-Tanghali.


Tampok sa upcoming drama series ang kauna-unahang pagtatambal nina Jodi Sta. Maria at Richard ‘Papa Chen’ Yap na bibigyang buhay ang mga karakter nina Maya at Mr. Lim na mula sa unang pagtatagpo ay ­mala-aso’t pusa na ang samahan.


Paano magiging susi ang mayamang biyudong si Mr. Lim sa ultimate dream ng probinsyanang si Maya na maging flight stewardess? Bukod kina Jodi at Richard, tampok din sa Be Careful With My Heart sina Jerome Perez, Janella Salvador at Mutya Orquia. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial.


No comments:

Post a Comment