Wednesday, September 5, 2012

John Lloyd Cruz totoo nga bang kumuha ng Mercedes Benz para kay Angelica?

Noong August 28, nag-post si Angelica Panganiban ng isang photo collage sa kanyang Instagram account.

Makikita ang tatlong litrato: ang aktres habang nakaupo sa animo’y driver’s seat ng isang kotse, ang logo ng Mercedez Benz na nakaukit sa manibela, at ang digital instrument panel sa dashboard ng sasakyan.

Ayon sa ilang followers ni Angelica sa Instagram, isang Mercedes Benz SLK daw ang kotseng ito.

Kapansin-pansin din na bago pa lamang ang sasakyan dahil kita rin sa Instagram na 60.6 kilometers pa lang ang reading ng odometer nito.

Ayon sa comment ng Instagram user na si phoebeornotobe, "Galante ni JLC 5 mil benz delivered last week," na nangangahulugang regalo umano ito ng aktor na si John Lloyd Cruz kay Angelica.

Sinegundahan din ito ng isa pang Instagram user na si mitchblithe: "with matching chocolates and flowers inside the benz car.. sweet papa JL.."

Nakita rin kasi sa Instagram collage ni Angelica ang tatlong pulang rosas na nakalatag sa pulang wrapper.

A GIFT FROM JOHN LLOYD? Ayon sa isang anonymous source na nag-tip sa PEP (Philippine Entertainment Portal), tama ang konklusyon ng mga Instagram fans ni Angelica at John Lloyd.

Sinabi nito na ang Mercedes Benz SLK ay regalo nga kay Angelica ng kanyang rumored suitor na si John Lloyd.

Sabi ng PEP source, binili ni John Lloyd ang sasakyan na nagkakahalaga ng P5.1 million.

Ipina-deliver daw niya ito sa tinitirhan niyang bahay sa Valle Verde, Pasig, noong nakaraang linggo, mula sa binilhan niyang Mercedez Benz EDSA showroom.

Sinubukang alamin ng PEP mula kina John Lloyd at Angelica, sa pamamagitan ng kani-kanilang handlers sa Star Magic, kung totoo ang balitang ito.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang sagot mula sa kanila.

SOLD MINI COOPER. Samantala, matatandaang niregaluhan din noon ni Derek Ramsay ng kotse si Angelica—isang Mini Cooper, na pinangalanan nilang “Baby James Cooper.”

Binili ito ng actor-host na brand new at dinagdagan pa ng upgraded mag wheels.

Matapos kumpirmahin ni Derek na naghiwalay na sila ni Angelica nitong Mayo, nakumpirma naman ng PEP na ibinenta na ang sasakyang ito sa mas mababang halaga.

(Lumabas ito sa PEP Alerts noong Agosto.)

Si Derek ay naging nobyo ni Angelica sa loob ng anim na taon.

No comments:

Post a Comment