Tuesday, September 4, 2012

Gerald anderson at Sarah Geronimo Friend na lang ba talga?

Kamakailan ay napabalitang itinigil na ni Ge­rald Anderson ang ginagawang panliligaw nito kay Sarah Geronimo.

May mga nagsasabi namang mayroon na tala­gang espesyal na namamagitan sa dalawa. Naging special guest ang aktor sa katatapos pa lamang na concert ng Pop Princess.

Ano na nga kaya ang tunay na estado ng relasyon nina Sarah at Gerald ngayon?

“We’re friends and sa ngayon that is the most important thing. Marami pong lumabas, ang daming narinig, kung ano po nabasa n’yo, napanood sa TV, kayo na bahala kung ano ang iisipin n’yo. Kung ano ang totoo roon at hindi.

“Ang pinag-uusapan naman is very personal. We have no right to talk about other people. Bigyan po natin ng privacy at katahimikan ang pamilya ni Sarah at sana sa akin din. Like I said, friends kami and that’s all I need to say,” pahayag ni Gerald.

Iginiit din ng binata na masaya siya ngayon na wala siyang karelasyon.

“I am single. ’Di rin ako nagmamadali. In time siguro para sa growth ko rin. Puwede akong mag-start na mag-date, know other people, pero malayo pa po ’yon. Relax lang ako,” dagdag pa ng binata.

Ngayon ay hindi na masyadong nakapag-uusap sina Gerald at Sarah dahil masyadong abala ang dalaga sa kanyang trabaho. “Recently, hindi, kasi napaka-busy niyang tao. ’Wag na nating palakihin ang sitwasyon,”

No comments:

Post a Comment