Tuesday, September 4, 2012

Relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel, ndi pa pwede

Ngayong araw ay ipinagdiriwang nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang unang taon ng kanilang tambalan sa industriya. Ayon kay Daniel, nagsisilbing lucky charm niya si Kathryn.

“Siguro dahil ngayon po talaga ang dami pong blessings na dumarating sa akin na kasama ko si Kathryn,” bungad ni Daniel.

“Sa lahat po ng projects, wala po talaga akong shows na hindi siya kasama. Parang lahat ng bagay na mabubuti ang nangyayari kapag kasama ko si Kathryn. Kaya talagang suwerte rin siyang kasama,” dagdag pa ng binata.

Noong Sabado ay magkasamang dumalo sina Daniel at Kathryn sa Star Magic Ball. Kamusta na kaya ang lagay ng puso nilang dalawa ngayon?

“It’s complicated. Magulo po. Bawal. Magulo po ngayon dahil bata pa po kami,” pagtatapat ni Daniel.

“Abangan na lang natin kasi bawal pa po nga­yon. Matatagalan pa po ’yon. Sa ngayon love team na muna, ” sagot naman ni Kathryn.

Para sa teen actress ay nariyan lamang siya palagi para kay Daniel kahit dumating man ang panahon na hindi sila magkakatambal muli.

“Kahit paghiwalayin kami ni DJ (palayaw ni Daniel). Kahit ano’ng mangyari, basta lagi lang ako nandito. Kung may problema siya, nandito lang ako at hindi ko siya kakalimutan,” giit pa ng dalaga.

No comments:

Post a Comment