Friday, September 28, 2012

Julia nakapagpundar na ng Bahay at Lupa

KALOKA si Roselle Monteverde dahil napaka­aga pa lang kahapon ay tumawag na siya sa akin.

Gusto lang ikuwento ni Roselle kung gaano siya ka-excited para sa pelikula nina Ruffa Gutierrez, Gabby Concepcion at Pokwang na may playdate nang Mayo 9.

May playdate na ang pelikulang idiniderehe ni Joel Lamangan at magla-last shooting day na sila sa Marso 20, pero wala pa silang final title para sa pelikulang ‘yon.

“Alam mo naman si Mother (Lily Monteverde), ayaw talaga niya sa title na Ded Na Ded Ako sa ‘Yo, kaya nag-iisip pa kami ng magandang title.

“Hindi pa rin sure ‘yung Mommies Return o Mommy’s Return. Nag-iisip pa kami, pero tuloy na talaga ang showing sa May 9,” sabi ni Roselle.

Nagse-set na ng meeting si Roselle sa kanyang mga artista at sa managers ng mga ito para ayusin ang publicity and promo ng pelikula.

May isang film outfit na gustong magpalabas din ng pelikula nila sa playdate na ‘yon. Nagulat si Roselle dahil noon pa sila naka-book sa petsang ‘yon.

“Basta happy kami ni Mother sa pelikulang ito at nakakatawa sina Ruffa, Gabby, Pokwang at ‘yung iba pang kasama sa cast, kaya tuloy kami sa May 9 and we want na malaking promotions dahil magastos ang pelikulang ito,” sey pa ni Roselle.



Love triangle sina Coco Martin, Julia Montes at Paulo Avelino sa teleser­yeng Walang Hanggan ng ABS-CBN.

Sa response ng mga tao sa live appearance nina Paulo at Julia sa Baguio City noong Sabado ay walang duda na klik sina Paulo at Julia bilang magkapareha.

Grabeng tilian at palak­pakan ang mga nanood kina Paulo at Julia sa kanilang special appearance sa Baguio City.

Masaya si Paulo at ang kanyang management team sa pag-aalaga ng Kapamil­ya management sa career ng aktor na unang nakilala sa showbiz nang sumali siya sa StarStruck ng GMA 7.


Bukod sa Walang Hanggan ay abala rin si Julia sa pelikulang The Reunion.

Kahit puro trabaho siya, walang reklamo ang dalaga. Magse-17th years old pa lang siya ay nakabili na siya ng sariling bahay at lupa.

Kuwento sa akin ni Thess Gubi ng Star Magic, memorable ang magiging birthday ni Julia sa Marso 20 dahil proud owner na siya ng bahay at lupa sa isang village sa bandang Antipolo.

Sabi pa ni Thess, mati­pid at panay ipon si Julia.

Three bedroom ang bahay ni Julia at malamang na doon siya mag-birthday party.

Teka, ano kaya ang birthday gifts sa kanya nina Paulo at Coco?

No comments:

Post a Comment