Friday, September 28, 2012

Sakto ang halik kay Gretchen ni Christian

EXCITED si Christian Bautista na kasama na siya sa cast ng teleseryeng Princess and I.

Kakaiba raw ang itsura niya rito, na mahaba ang buhok at parang Legolas ang peg. Rebelde ang karakter niya, na pumapatay ng tao, pero may rason.

“Kaya ko ginagawa ‘yon, kasi I’m fighting for what I believe in. I’m fighting for the oppression of the kingdom of Yangdon.

“Na-miss ko ang acting. Na-miss ko ang taping sa Bulacan, sa Tanay,” bulalas ni Christian sa presscon niya kahapon para sa TV special niya na The Way You Look at Me: The Christian Bautista 10th Anniversary Special (na ipapalabas sa Hulyo 8 sa Sunday’s Best).

Na-excite din si Christian na ka-partner niya sa show si Gretchen Barretto, tapos ay kasama niya rin ang co-star niya sa The Kitchen Musical na si Art Acuña at ang co-Stages artist niya na si Enrique Gil.

“Partner po ako ni Gretchen. Naghalikan na po kami, nakunan na po,” kaswal na tsika ng Pinoy balladeer na tinaguriang Asiansation.

Kamusta ang kissing scene nila ni Greta?

“Ano lang, very gentleman po ako, eh. So, ‘yung subtle lang. Iba po sa music video, eh. Pambata po kasi ‘yung show, so sakto lang,” nakangiting sey ni pop singer.

No comments:

Post a Comment