Friday, September 28, 2012

Venus, gusto malaman kung gaano kagaling umarte si Jericho

Papasukin na rin ni Venus Raj, Miss Universe 2010 4th runner-up, ang pag-aartista.

Kinontrata na siya nina Mother Lily at Roselle Monteverde bilang Regal baby at limang movies ang nakatakda niyang gawin.


Kasabay niyang pumirma si Kirbie Zamora, ang baguhang actor na nakahalikan ni Martin Escudero sa indie film na Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington!


Matapos ang kontrata sa Bb. Pilipinas, pumirma ng kontrata si Venus sa ABS-CBN at bahagi siya ng morning show na Umagang Kay Ganda. Doon siya napansin ni Roselle dahil sa kakikayan nito.


Very Regal pa rin ang byuti ni Venus pero naiintriga siyang may mga binago raw sa panlabas niyang anyo, huh!


“Wala ho akong pinadagdag! Lahat ‘yan, original! Pilik-mata lang! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Venus sa mga intriga.


“Ngayong gabi lang ‘yan! Pilik-mata lang ang fake! Ha! Ha! Ha!” dagdag niya.
Ayon pa sa kanya, may pagkakataong hindi niya dinadagdagan ang pilik-mata niya dahil wala siyang oras minsan maglagay.


Eh kung may ipaayos siya sa katawan niya, ano kaya ‘yon?
“If ever, baka ‘yung magtanggal lang ng mga fat. Parang sobrang fats ko! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya.

Siyanga pala, si Jericho Rosales ang gustong makasama ni Venus sa first movie niya sa Regal. Since may kontrata naman daw si Jericho, gusto niyang matikman ang husay nito sa pag-arte.


“Naniniwala ako na marami akong matututunan sa kanya when it comes to acting,” sey pa ni Venus.


No comments:

Post a Comment