Friday, September 28, 2012

Baby Nate bibida sa cooking show ni Regine

Mula Lunes hanggang Sabado na makakapanood ng cooking show sa Kapuso network. Tuwing Sabado nga lang, si Regine Velasquez na at hindi si Chef Boy Logro ang mapapanood sa pamamagitan ng kanyang cooking show na Sarap Diva.

Kilala na si Regine, lalo na ng mga kaibigan niya na masarap magluto. Madalas pa ngang mag-host ng dinner sa mismong bahay nila ni Ogie Alcasid si Regine at siya talaga ang nagluluto.

Ngayon sa cooking show nito, mismong si Regine ang magluluto at mismong recipe niya rin ang ituturo nito sa audience.

May participation din daw ang aso niya na si George at ang baby nila ni Ogie na si Nate. Hindi lang namin knows pa kung paano papasok si Nate sa show, huh!

Kasama rin si Raul Mitra kaya posibleng habang nagluluto si Regine eh, bumibirit ito. Sa October 6 na raw magpa-pilot ang Sarap Diva na mapapanood bago mag-Eat Bulaga!

 

No comments:

Post a Comment