Friday, September 28, 2012

John Lloyd Cruz halatang masaya kay Angelica

Kitang-kita sa kilos at pananalita ni John Lloyd Cruz na masaya siya sa piling ni Angelica Panganiban.


Sa guesting nila ni Bea Alonzo sa Kris TV, na kung saan ay kinailangan nilang mag-comment o magbigay ng opinyon tungkol sa mga hot na issue ngayon, na tulad ng 58% daw ng mga Pinoy ngayon ang masaya sa lovelife nila, nakangiting sinabi ni John Lloyd na kung 58% ang maligaya ngayon, sa kanya ang 57% at kay Bea ang 1%.


Bagama’t pabiro, pero kitang-kita sa mukha ni John Lloyd ang ligaya. At sinabi rin niya, na masuwerte siya ngayon dahil napapaligiran siya ngayon ng mga taong masasarap magluto. Eh, ‘di ba, nag-aral magluto si Angelica.


Sinabi rin ni Lloydie na sa tingin niya ay okey naman sila ng ex-girlfriend niyang si Shaina Magdayao. Na kapag nagkikita sila ay nagha-hi siya rito. Hindi na nga lang niya sinagot ang follow-up na tanong ni Kris Aquino na kung nagha-hi rin sa kanya si Shaina.


Samantala, engrandeng romantic celebration ang ihahatid ng ASAP 2012 ngayong tanghali para sa ika-10 anibersaryo ng love team nina John Lloyd at Bea.


Bukod sa anniversary celebration para kina John Lloyd at Bea, tuluy-tuloy pa rin naman ang selebrasyon sa ASAP 2012 sa big birthday blowout ng Angelito lead star na si JM de Guzman na sasamahan nina Yeng Constantino, Aiza Seguerra, Zia Quizon, at Paolo Valenciano at ni Nikki Gil.


Makisaya at maki-party rin sa kiddie birthday bash para sa child wonders na sina Bugoy CariƱo at Zaijian Jaranilla na sasamahan nina Mutya Orquia at Belle Maria­no. Tunghayan din ang paglunsad ng theme song ng inaabangang drama series na Little Champ na aawitin ni Piolo Pascual; at ang must-see back-to-back performances ng Walang Hanggan stars na nina Paulo Avelino at Melissa Ricks.


Samantala, world-class ta­lent naman ang muling ibibida ni Gary Valenciano sa panibagong kuwento ng inspirasyon sa With Love Gary V; na susundan ng show-stopping performance ni Toni Gonzaga sa ‘T-Zone’.


Abangan din sa concert stage ang bonggang musical spectacle na ihahandog nina Martin Nievera, Vina Morales, Pio­lo, Billy Crawford, Sam Milby, Christian Bautista, Erik Santos, Jed Madela, Richard Poon, ASAP Boyfriendz at ASAP Pinoy Champs.


Isang showdown like no o­ther naman ang masasaksihan ngayong Linggo sa dance showcase na inihanda nina John Prats, Enchong Dee, Shaina Magdayao, Enrique Gil, Julia Montes, Kathryn Bernardo, Empress, Anja Aguilar, at Robi Domingo, kasama sina Ryan at Ka­ren, at Myrtle at Yves ng PBB Teens.


Makisaya sa 2012 Gawad Tanglaw Best Musical Va­riety Show na ASAP 2012 ngayong Linggo, alas-12:15 ng tanghali sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-‘like’ ang http://facebook.com/asapofficial.


No comments:

Post a Comment