Friday, September 28, 2012

John Lloyd nagpapablooming sa mukha ni Angelica

Tuluyan na ngang nawala ang pag-asang magkakabalikan pa sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay, kung ang pagbabasehan ay ang pagtanggap ng huli sa pagkakaroon ng glow sa mukha ngayon ng una.


Hindi makumpirma ng aming source kung ang dahilan ba ng glow sa mukha ni Angelica ay si John Lloyd Cruz.

Nananatili kasing tikom ang bibig ni Derek sa isyung nagkakamabutihan na raw sina Angelica at John Lloyd.


Pero aware si De­rek sa mga kuwento na madalas daw na lumalabas na magkasama sina Angelica at John Lloyd. May mga nagkukuwento raw kay Derek tungkol sa mga paglabas-labas nina Angelica at John Lloyd.


Ang lagi nga raw sinasabi ni Derek kapag may nagsasabi rito na nakitang magkasama sina Angelica at John Lloyd ay ha­yaan na lang daw ang dalawa na mag-enjoy bilang magkaibigan naman daw ang mga ito.


Nakikita ni Derek na masaya ang aura ni Angelica sa kasalukuyan, kaya natutuwa na raw ito para sa ex-girlfriend. Nagkakausap pa rin daw sina Derek at Angelica, pero hindi na ito tulad noon na puno ng kilig at lam­bingan. Mga simpleng kumustahan na lang daw at hindi na ito kasindalas na tulad noon.


Base sa nasagap na­ming balita, tanggap na ni Derek na hindi na sila magkakabalikan pa ni Angelica.

Gusto raw ng aktor na mag-enjoy ang ex-girlfriend sa kung sino ang nagpapasaya rito ngayon.


Tungkol naman sa personal status ni De­rek, bagama’t marami ang umaaligid at nagpapalipad-hangin sa kanya na mga babae, ayaw daw muna nitong pumasok sa panibagong relasyon. Gusto raw muna nitong pagtuunan ng pansin ang career sa TV5 lalo na at malapit na ring isalang ang Amazing Race Phi­lippines, kung saan siya ang host. At excited din daw si Derek sa London Olympics na kung saan ay siya ang maghu-host dito sa Pilipinas at magsu-supply ng mga updates sa news center ng TV5.


Siyanga pala, nabalita kamakailan lang na umihi ng dugo si Derek nang maapektuhan ang kidney niya dulot ng injury niya sa kakatapos na laban sa Frisbee sa Japan. Kung hindi kami nagkakamali, isa ito sa pinagtatalunan nina Angelica at Derek noon. Tutol si Angelica na gawin pa ni Derek ang laro sa Japan.


Sinasabi ngayon ni Derek na tapos na ang major tournament niya, pero hindi raw ito nangangahulugan na hindi na siya magla­laro ng Frisbee.


No comments:

Post a Comment