Friday, September 28, 2012

Sarah magbabalik na sa ASAP

Kasabay ng pagbabalik eskuwela ng mga estudyante, magbabalik din si Sarah Geronimo sa ASAP 2012 ngayon, para sa isang special na bagong production number, kasama sina Gloc 9 at Jovit Baldivino.

Siyempre, present din ang stars ng Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme sa pangunguna ni Eugene Domingo, pati na ng mga PBB Teen Edition 4 evic­tee na sina Kit, Claire, Nikka at Vince, pati na ang mga tinitiliang love teams ngayon na sina Kathryn Bernardo at Enrique Gil ng Princess and I, Miles Ocampo at Marco Gumabao ng Luv U at Ella Cruz at Paul Salas ng Aryana.

Women domination na­man ang drama nina KC Concepcion, Kim Chiu, Erich Gonzales, Nikki Gil, Shaina Magdayao, Maja Salvador, Empress, Iya Villania, Anja Aguilar sa back-to-back dance numbers.

World class na kanta­han din ang handog nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Jed Madela, Piolo Pascual, Christian Bautista, Juris at Bamboo.

May bago namang pauusuhin si Toni Gonzaga sa kanyang segment na T-Zone. At hindi rin paaawat ang mga supahdancers na sina John Prats, Rayver Cruz, Gab Valenciano, Sam Concepcion at Bugoy Carino.

No comments:

Post a Comment