Friday, September 28, 2012

Kc at Sharon hindi papatalo sa kampo ni Piolo

Nagkaroon si KC Concepcion ng “Whitney Houston moment” pero nangyari ito noong August 2011, anim na buwan matapos matagpuan sa bath tub ang lifeless and naked body ng sikat na American singer sa kuwarto nito sa Beverly Hilton Hotel noong February 12, 2012.

Nangyari ang karanasan ni KC sa bathroom ng kanyang kaibigan noong pinoproblema niya ang relasyon nila ni Piolo Pascual.

Ikinuwento ni KC kay Joann Maglipon ng YES! magazine na natagpuan siya ng kanyang kaibigan na si Geo Custodio habang hubad na nakahiga at nakalublob sa mainit na tubig ng bath tub.

Nangyari ang insidente sa bathroom ng bahay ng isa pa nilang kaibigan. Ayon sa YES! story, nanonood ng pelikula ang magkakaibigan nang tumayo si KC at pumasok sa banyo.

Nag-alala si Geo dahil tapos na ang pelikula at dalawang oras na ang nakalilipas pero hindi pa lumalabas si KC mula sa bathroom.

Nang pumasok si Geo sa banyo, nakita niya si KC na nakahiga sa bath tub habang bukas ang shower.

Parang eksena mula sa pelikula ang mga sumunod na pangyayari dahil nag-breakdown si KC na dumaranas na pala ng depression na resulta ng mga problema nila ni Piolo.

Naka-recover at naka-move on na si KC sa well-publicized break-up nila ni Piolo. Hindi na siya emosyonal nang ikuwento niya sa YES! ang ibang mga detalye tungkol sa naging relasyon nila ng aktor.

Pero tulad ng emotional interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz noong November 2011, hindi sinabi ni KC ang tunay na dahilan ng pakikipaghiwalay niya kay Piolo kaya lalo lamang maiintriga ang readers ng YES!

Una, intriguing ang sinabi ni KC na hindi siya pi­nigilan ni Piolo na magpa-interview kay Boy pero umapela sa kanya ang ex-boyfriend na huwag na siyang magsalita tungkol sa ilang mga detalye.

Pangalawa, malalim ang pahayag ni KC na “worst situation” sa buhay niya ang kanyang pinagdaanan.

Pangatlo, ipinagtapat ni KC sa YES! na alam ng kanyang buong pamilya ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Piolo at apektadung-apektado sila.

Makahulugan din ang statement ni KC na ginagawa niya ang lahat ng effort na igalang ang hard work through the years ni Piolo, pero kapag sumobra na ang mga atake, hindi sila magpapaapi.



Posibleng mag-react ang mga supporter ni Piolo sa pahayag ni KC na nanggagaling ang mga pag-atake mula sa kampo ng aktor at nagsi­mula ito nang magsalita siya sa The Buzz tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Ang mga contro­versial tweet ni Sharon laban sa bashers at haters niya ang pumasok sa isip namin dahil sa mga salita na binitiwan ng kanyang anak.

Mula sa kampo ni Piolo ang mga basher niya ang suspetsa ni Sharon sa tweet nito noong nakaraang linggo.

Hindi nagkakalayo ang statement ng mag-ina. February 2012 nang magsalita si KC sa YES! at nang sabihin niya na hindi sila magpapaapi kapag sumobra na ang mga atake sa kanila at noong nakaraang linggo lamang nang mag-tweet si Sharon ng “Since you won’t stop bashing me and my daughter and it’s all the same to you -- maybe, it’s time I talk and tell the whole real story.”

Makahulugan din ang salitang binitiwan ni KC na “I won’t say anything. I don’t know about the people around me.”

Si KC ang cover girl ng April issue ng YES! magazine. Bukod sa pagsasa­lita niya tungkol sa nakaraan nila ni Piolo, pumayag si KC na ilabas ng YES! ang mga litrato ng kanyang bagong condo unit sa The Fort.


Ngayon ang 10th death anniversary ni Rico Yan na sumakabilang-buhay dahil sa “bangungot” sa Dos Palmas Resort, Palawan noong March 29, 2002.

Good Friday nang mamatay si Rico sa edad na 27 at ikinabigla ng lahat ang kanyang maagang pagpanaw.

Ang kaibigan at fellow actor na si Dominic Ochoa ang nagkuwento na bandang ala-sais ng umaga nang marinig nila na parang umuungol si Rico, pero hindi sila nabahala dahil likas na malakas humilik ang aktor. Alas-nuwebe ng umaga nang subukan ni Dominic na gisingin si Rico pero matigas na ang katawan nito.

Kasikatan ni Rico nang mamatay ito kaya ipinagluksa ng lahat ang kanyang pagkamatay. Nang sumakabilang-buhay si Rico, palabas pa sa mga sinehan ang blockbuster movie nila ng kanyang ex-girlfriend na si Claudine Barretto, ang Got 2 Believe ng Star Cinema.

No comments:

Post a Comment