Friday, September 28, 2012

Kc hiyang hiya sa ginawang paglulumpasay

BINASA namin ang exclusive feature kay KC Concepcion sa April 2012 (at 12th anniversary) issue ng YES! magazine.

Tinampok dito ang sa­riling place ni KC o ang kanyang dream condo, na ipinagmamalaki niya na pinag-ipunan niya at wala siyang hiningi ni isang ku­sing kahit kanino.

Ani KC, in a way ay na-prove niya sa kanyang pamilya na kahit anong mangyari ay kaya niyang mag-survive.

Bagay na bagay sa isang dalagang kagaya ni KC ang sosi condo unit niya sa Serendra, The Fort.

Ang ilan sa mga highlight nito ay ang kanyang onyx wall na may ilaw sa loob kaya parang sa club ang dating, ang cobalt blue glass chandelier na galing ng India at ang kanyang pet ball python na si Coco.

Alagang-alaga ni KC ang nasabing ahas na pinapakain niya ng buhay na daga sa sarili nitong terrarium.

Ito ‘yung ahas na ginamit niyang props sa sexy cover pictorial niya para sa Rogue magazine.

“New life, new beginnings... I have my 8 years with Palmolive to thank for helping me build this new home. Fresh change!” ang tweet ni KC tungkol sa kanyang bagong condo unit, na walang anumang bakas ng kanyang ex-boyfriend na si Piolo Pascual.

25 pages ang house feature na ‘yon ng YES!, pero ‘yung 9 pages na separate article hinggil sa breakup nina KC-Piolo ang mas pag-iinteresang basahin ng mga mahilig sa intriga.

Ang YES! editor-in-chief na si Ms. Jo-Ann Maglipon ang nag-interview kay KC, na sinulat ni Gabby Libarios.

Nabanggit doon ni KC na sinadya niyang alisin ang lahat ng bagay na puwedeng makapagpaalala sa kanya kay Piolo at sa naging relasyon nila.

Iyung 55-inch LCD TV na binigay sa kanya ng aktor para sa bago niyang place ay binigay niya sa isa niyang kabigan. Bumili siya ng katulad na brand na binigay ni Piolo, pero mas bagong model at mas manipis.

Ipinamigay rin ni KC ‘yung Queen-size bed na bigay sa kanya ni Piolo at bumili siya ng King-size bed.

Aminado ang dalaga (na magtu-27-anyos sa Abril 7) na sumemplang siya sa pakiki­pagrelasyon niya sa 35-anyos na Kapamilya heartthrob.

Aniya, ‘yung pagpapa­gupit niya ng mahaba niyang buhok ay isa sa mga signs na isinara na niya ang kabanata na ‘yon at nagmu-move on na siya sa kanyang buhay.

Pitong taon na hindi niya ginalaw ang kanyang long black hair, pero bigla niya itong pinaputulan at pinakulayan ng double pigment red with highlights matapos ang masalimuot nilang breakup ni Piolo.

Bahagi rin ng kanyang moving on ‘yung desisyon niyang mag-pose nang sexy sa Rogue magazine.

Inamin ni KC na dati ay hindi siya naniniwala sa kasal.

Wala siyang dream wedding at never niyang inisip na isang araw ay ikakasal siya.

Nang maging sila ni Piolo ay parang naiba ang pananaw niyang ‘yon at tila gusto na niyang maikasal.

Pero pagkatapos ng masaklap na nangyari sa kanila, ngayon ay parang ayaw na niya ulit magpa­kasal kahit na kanino.

Nang uriratin si KC tungkol sa kontrobersyal nilang breakup, natahimik siya, tapos ay biglang nagdayalog ng, “Pakilabas nga ang tequila ko diyan!”

Nang sabihin sa kanyang mas matagal pa ‘yung ligawan kesa sa mismong relasyon nila ni Piolo, napangiti lang at napailing si KC, sabay taas ng kanyang wine glass, “Cheers to that! Charot!”

Magmula nu’ng tearful confession ni KC sa The Buzz nu’ng Nobyembre 27, 2011 ay wala pa ring linaw kung ano ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Piolo.

Sabi niya sa YES!, hindi ugali o clash of perso­nalities ang naging rason at hindi rin neglect.

Ayaw na niyang isipin at balikan pa kung anuman ‘yon dahil ‘moving on’ na siya. Paano raw siya magmu-move on kung babalik-balikan niya ito?

“It was the worst situation I’ve been in my life. But at the same time, it’s the best thing that happened at this point in my life, because it gave me a fresh start.

“It gave me a rebirth, and it gave me a chance to try agin,” ang positibong pahayag ni KC.

Tungkol sa matagal nang ‘rumors’ tungkol kay Piolo, hindi raw kasalanan ‘yon ni KC kung hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang tsismis na ‘yon.

“That, I have nothing to do with. They existed even before I came into the picture, from the time I was eighteen,” ang makahulugan niyang sambit.


Kasama ni KC habang iniinterbyu siya ng YES! ang best friend niyang bading na si Geo Custodio.

Kaibigan niya ito simula pa nu’ng high school days nila sa International School.

Saksi si Geo nang magkaroon ng emotional breakdown si KC (nu’ng Agosto hanggang Oktubre, 2011) dahil sa mga pinagdaraanan nito with Piolo.

Isa sa mga breakdown na ‘yon ay nangyari sa bahay ng isa nilang barkada (Beets ang tawag nila sa kanilang maliit na grupo).

Bigla na lang nagpunta sa banyo si KC, tapos ay dalawang oras na, hindi pa rin ito lumalabas.

Pagpunta ni Geo sa CR ay nakita nitong hubo’t hubad si KC at nasa bath tub habang nakabukas ang shower. Pinagtapis nito ng tuwalya si KC, saka pumasok sa banyo si Geo.

Niyakap nito ang kaibigan at nag-iyakan sila doon sa sahig ng bathroom.

Nasundan pa ang breakdown na ‘yon dahil sa matinding psychological stress at anxiety attack na pinagdaraanan ni KC at that time.

May tubig din na involved sa ikalawang breakdown, sa may swimming pool ng isa nilang friend.

Pero hindi pinayagan ng friends niya si KC na lumusong sa tubig. Doon lang siya sa may tabi ng pool naglulupasay. Aminado ang dalaga na halos mamatay-matay siya nu’ng mga panahong ‘yon.

“Nakakahiya talaga! Kahiya-hiya na nga ‘yung mga naging last few months ko. Ayoko na!” pakli ni KC, na nagagawa na ngayong tawanan ang karanasan niya.

Pero nu’ng time na ‘yon ay hindi siya iniiwan ng Beets at kahit sa condo niya (na pinagagawa pa lang niya noon) ay sama-sama silang natutulog para damayan siya ng mga ito.


Natutuwa si KC na matapos niyang magpa-cut ng hair ay parang natanggal na rin lahat ng negative energy na dinulot ng mapait nilang breakup ni Piolo.

Kumbaga ay pinutol na rin niya lahat ng memories na dala-dala no’n, kaya wala nang traces. Fresh start.

Kaya sa kanyang ‘mo­ving on’ condo ay sinadya niyang alisin lahat ng pictures, letters, emails at lahat ng files na may kinalaman kay Piolo.

Binura niya lahat ng mga ‘yon sa hard drive ng kanyang computer. Clear lahat, so fresh start talaga.

Personal request ni KC na ihiwalay ng YES! ‘yung house feature sa report tungkol sa breakup.

Siniguro niyang hindi maihahalo ang pangalan o mukha ni Piolo sa kanyang bagong bahay na pinagpa­guran niya nang todo.

“I think people just like the fact that I’m free again. And that I am back to who I was. Even personally, I feel like I’m back on my feet.”

Naniniwala si KC na maghi-heal din siya matapos ang madilim na kabanata na ‘yon ng kanyang buhay.
“Little by little, I’m seeing the good that the relationship brought…

So, I think I know why I had to come into his [Piolo’s] life.

“One day, I can look at him and think of all the good things that came our way.

“And I really hope that he really finds that same happiness within himself -- that even without his work or without all the things around, he’s really happy.”

Makahulugan din ‘yung quote ni KC na tila inihahalintulad niya ang nangyari sa kanya sa pagkain ng seafood na alam niyang maaari siyang malason.

“When you eat seafood and you feel like it’s bad and you get food poisoning the next day, you knew that it was bound to happen naman, ‘di ba? You know.”

Sa kanyang tweets ay mukhang masaya na ulit ang dalaga at pawala na ‘yung mga sakit at pait na naranasan niya sa kanyang huling relasyon.

“When you can laugh about the things that hurt you before, that’s when you know you’re over it. :) :) :) Soo many blessings have come since!”

At ang tweet niya tungkol sa ginawa niyang pagsasalita sa nasabing magazine ay, “Hi, loves! YES! is the last time I will answer questions about my past relationship, ok? Please guys.

‘Wag n’yo na ako tatanungin. :) Love you all!

“I lift up to God my new show, new performances, new contracts, new home, new friends, new travels, new UN missions. Cheers to a new life!!!”

No comments:

Post a Comment