Saturday, September 29, 2012

Marian Rivera at Carla pagsasabungin sa isang pelikula

 Hindi man natuloy ang pelikulang pagsasamahan nina Marian Rivera at Coco Martin sa Regal Films, sunud-sunod pa rin ang trabaho ng aktres. Sa October 8 sila magsisimula ni Richard Gutierrez ng taping ng Extra Challenge at balita namin, may dry run sa Oct. 7.

Malapit na rin siyang magsimulang mag-taping ng Temptation of Wife dahil ang bagong balita, mapapaaga ng two weeks ang airing nito at tila October 22 na. Kaya sa Oct. 5, first taping day na. Mas mauuna pa yata ito sa Haram ni Dingdong Dantes.

Malapit na ring gumawa ng pelikula si Marian and in fact, sa October 13, ang target first day shooting ng pelikula. Secret muna kung sino ang makakapareha ni Marian at kung sino ang director.

May nabalitaan din kaming pelikulang gagawin si Marian, kapalit ng Marian-Coco at may  intriguing title na My Bestfriend’s Lover…Is My Husband, pero hindi pa yata nagkakausap ang aktres at ang manager niyang si Popoy Caritativo tungkol dito.

Kay director Maryo J. delos Reyes namin nalaman ang ilang details sa Regal Films movie na pagsasamahan daw nina Marian Rivera at Carla Abellana na may tentative title na My Bestfriend’s Lover…Is My Husband  dahil siya rin ang director at bale kapalit ito sa movie nina Marian at Coco Martin na hindi natuloy.

Ang original title ng movie ay My Bestfriend’s Lover, pinadag­dagan niya ng  Is My Husband at next year na niya gagawin. Ang alam ni direk Maryo, kasama rin  si Hayden Kho at isa pang aktor, pero wala pa palang linaw ang tungkol dito. Ginagawan ng paraan ng Regal at kampo ni Coco na matuloy pa rin ang movie nila ni Marian at si direk Maryo pa rin ang director.

Napa-“oo nga” si direk Maryo nang banggi­ting  sa movie, makakasama niya si Marian, sa TV nama’y si Dingdong Dantes. Second day taping na nila this Saturday ng Haram  at nagkaroon sila ng workshop nina Dingdong at Neil Ryan Sese na gaganap na best friend ni Dingdong sa ilalim ng binuo niyang acting team.

May mga nagre-react sa Haram dahil sa controversy ng Innocence of Muslims, pero sabi ni direk Maryo, makakatulong ito na i-educate ang tao sa Islam at hindi anti, kundi pro-Muslim ang Haram.                                                               

Kahit busy si direk Maryo sa pagdidirek at bilang head ng GMA Artist Center Training and Development Department, hindi pa rin binibitawan ang  kanyang mga talent. Abala si direk sa paghahanda sa anniversary concert sa October 15, sa Zirkoh Morato billed Masculados: Dekada na title rin ng fourth album nila.

Guests sa show sina Bela Padilla, Kylie Padilla, Osang ng X Factor, Sonny Parsons, Kim Idol, Bombshells at orig members ng grupo.

No comments:

Post a Comment