Saturday, September 29, 2012

Kathryn Bernardo kinukunsinti ng ina ang relasyon kay Daniel

Madalas na sinasamahan si Kathryn Bernardo ng kanyang inang si Mommy Min sa lahat ng kanyang mga showbiz commitments. Marami tuloy ang nag-aakalang pinaghihigpitan ng ina ang dalaga. “Sa akin kasi sometimes hindi ko alam kung sa showbiz nasasabihan ako na stage mother, sometimes sasabihin nila na kunsintidor. Minsan sabi nila sobrang higpit ko, ang hindi ko nga alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko dito eh. Sabi ko nga ang hirap dahil ‘yung tatlong kapatid niya alam ko kung papaano ko iti-treat kasi normal lang sila, ito abnormal eh,” natatawang pahayag ni Mommy Min.

“Kasi artista siya so hindi mo alam kung dapat kang mahigpit or dapat kang ganyan. Napagdaanan ko kasi mahigpit ‘yung nanay ko so para bang maraming na-deprive, ‘yung na-experience ng mga classmate ko noon. Ngayon nga nagre-reunion sila, nagku-kuwentuhan sila ng mga crushes nila, mga puppy love nila noon. Ako, wala akong makuwento kasi mahigpit ang nanay ko kaya hindi ko naranasan,” kuwento ng ina ni Kathryn. Wala naman daw problema sa kanya ang napapabalitang tunay daw na may relasyon na ang anak sa ka-love team na si Daniel Padilla.

“Okay lang, natutuwa ako kasi hindi siya natatakot na sabihin na gusto ko ito or ganyan. Kasi sinasabi niya ‘yung nasa loob niya. Hindi tulad ng iba na sinasabi na crush nila si Kathryn tapos biglang may bawi na joke lang, may ganun eh, tapos ang totoo gustong-gusto nila,” pagtatapat ni Mommy Min.

Ngayon ay 16 na taon pa lamang si Kathryn kaya hindi raw dapat magmadali ang aktres na magkaroon ng kasintahan.

No comments:

Post a Comment