Wednesday, October 3, 2012

Alden Richards at Louise Delos Reyes tuluyan nang maghihiwalay

Spoiler sa ending ng One True Love ang ipinakita sa Chika Minute ng 24 Oras na may dinadalaw sa memorial park si Alden Richards bilang si Tisoy at nag-iyakan sila ni Ana Capri bilang si Dyna.

Spoiler din ang picture ng cast ng teleseryeng magtatapos na sa Friday na na-post sa Twitter without Louise delos Reyes as Elize. Nasunod ang gusto nina Alden at Louise sa pagtatapos ng One True Love kahit hindi pabor ang viewers.

Ang maganda sa soap, kahit patapos na, may new characters pang pumapasok. Gaya ni Annicka Dolonius bilang si Carla na pamangkin pala nina Robin Padila at BB Gandanghari. Lumabas na rin si Robi da Roza bilang ang Fil-Am na si Johnny, ang bagong karelasyon ni Leila (Agot Isidro).

May sepanx o separation anxiety ang cast pati si direktor Andoy Ranay dahil maghihiwalay na sila. Hindi makakalimutan nina Alden at Louise ang One True Love dahil first primetime soap nila ito at na­ging successful. At least, sina Direk Andoy at Alden ay magkakatrabaho pa rin sa GMA Films para sa Sossy Problem.

No comments:

Post a Comment