Wednesday, October 3, 2012

Kathryn at Daniel, kumakayod para sa pamilya

Kathryn Bernado at Daniel Padilla, Todo kayod sa Pamilya ng mabalitaan ni Kathryn na si Daniel pala ang ngayon ang Breadwinner sa kanilang Pamilya nag pusige na din ito para sa kanyang pamilya at nilalaaan nya na lahat ng kita nya para sa pamilya nya.

Kamakailan ay nagkamit ng Gold record award ang soundtrack ng teleseryeng Princess And I. Masa­yang-masaya si Daniel Padilla dahil isa siya sa mga kumanta para sa nasabing album. “Maraming salamat po siyempre, napakasaya namin,” bungad ni Daniel.
Kumanta rin para sa sound track ng serye sina Angeline Quinto, Christian Bautista, Kathryn Bernardo, Enrique Gil, at Khalil Ramos.
Halos isang buwan na ngayong namamayagpag sa ratings sa Primetime Bida ang nasabing teleserye. Proud na proud si Daniel dahil nagbubunga raw ang lahat ng kanilang pagsisikap. “Masaya po si­yempre dahil nag-pay off na rin ang trabaho na ginagawa namin na pagpupuyat araw-araw at maraming salamat po sa inyong lahat. May pressure, siyempre kailangan po naming ituluy-tuloy,” nakangiting pahayag ng binata.
Samantala, aminado naman si Daniel na siya ang tumatayong breadwinner sa kanilang pamilya ngayon. “Pana-panahon lang po ‘yan. Nagkataon na ngayon ako ‘yung nakakatulong, bakit hindi? Pamilya mo ‘yan, sila nagpalaki sa ‘yo. Ano bang karapatan mo para humindi? Utang na loob ko na po sa kanila,” paliwanag ni Daniel

No comments:

Post a Comment