Saturday, October 27, 2012

Halikan at pag mamahalan nila Angelica Panganiban at John Lloyd nirecord pa

At least may pag-uusapan sa ginawang indie movie ni Angelica Panga­niban na #Madaling Araw Mahabang Gabi.

Sa preview ng movie, imbes na ipa-interbyu si Angelica isang video nina Ange­lica at John Lloyd Cruz ang ipinakita ng director ng pelikula na si Nico Garcia. May halikan portion – sa lips at sa kamay – ang magkarelasyon na ayaw namang umamin ng direkta na sila na nga sa mga interbyu.

Kuha raw ang video sa bahay ni Angelica kung saan nag-imbita ang aktres kasama ang ibang cast ng pelikula.

Common knowledge na ang relasyon ng dalawa. Pero marami silang kaeklayan sa pag-amin. Ngayon hindi man manggaling sa bibig nila, my blessing naman daw ang dalawa na i-share ang nasabing video ng kanilang pagmamahalan.

Ayon pa sa mga nakapanood sa video pinatutuhanan nila ang kanilang relas­yon at sobra-sobrang pagmamahal sa isa’t isa. Sabi pa raw ni Angel sa video : “Mahal na mahal kita, mahal na mahal mo ‘ko.”

Sagot naman ni JLC : “sorry, World, may ganito palang feeling.”

“I hope you found a love like this. I hope at this time, I just hope sincerely, that you found a love like ours,” dagdag na dialogue daw ng actor.

At least nagamit nila ang issue sa promo ng movie ng aktres.

Baka nga ito na ang hinihintay nilang chance nang pag-amin. May pakinabang nga naman.

No comments:

Post a Comment