Matapos ilabas ng YES! Magazine sa November 2012 issue na may namamagitan na sa big stars na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, eto naman si direktor Dante Nico Garcia na pinatototohan ang sinasabi ng magazine.
Sinabi ng direktor, na kaibigan ni Angelica, na may magandang relasyon na ngang namamagitan kina Angelica at Lloydie. At may video pa si Direk Dante upang patunayan ang kanyang sinasabi.
OLD FRIENDS. Taong 1998 nang magsimula ang pagkakaibigan nina Angelica Panganiban at ang production designer pa noong si Dante, ang direktor na tumanyag nang gawin nito ang Ploning, na naging official entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language category ng 2009 Oscar Awards.
Nag-guest si Angelica sa Oka Tokat, kunsaan staff si Dante noon, at dito na nga nagsimula ang kanilang pagiging malapit na magkaibigan.
Muling nakatrabaho ni Angelica si Dante bilang production designer sa mga sumunod na TV projects ng aktres sa ABS-CBN—ang Berks (2000) at ang Mangarap Ka (2004).
Matapos na maging direktor nung 2008—sa pamamagitan nga ng Ploning, na sinundan din agad nung taon ding iyon ng Oh! My Girl, na parehong pinagbidahan ng isa pa niyang malapit na kaibigan, si Judy Ann Santos—muling nakatrabaho ni Dante si Angelica sa indie film na Madaling Araw, Mahabang Gabi.
Kasama rin sa cast ng indie film na ito ang iba pa nilang mga “katropa” sa totoong buhay, na sina Glaiza de Castro, Dominic Roco, at Alchris Galura.
Nasa cast din sina Rocco Nacino, Edgar Allan Guzman, Buboy Garrovillo, Kean Cipriano, Karel Marquez, Jerald Napoles, at ang ipinakikilalang si Callum David.
May cameo roles din sina Cherie Gil, Fabio Ide, Lou Veloso, at marami pang iba.
ANGELICA’S “BARCELONA.” Noong Huwebes, October 25, nagkaroon ng mini-press preview ang Madaling Araw, Mahabang Gabi sa opisina ni Dante sa Imperial Palace Suites, Quezon City.
Sa pakikipag-usap ni Dante sa Hot Pinoy Showbiz at iba pang miyembro ng press, ikinuwento nitong sa sobrang closeness nila ni Angelica ay wala na itong mga inililihim pa sa kanya—kahit na sa personal na aspeto ng buhay, lalo na ang lovelife.
Kuwento ni Dante, nung mga panahong tapos na nilang i-shoot ang pelikula, hiwalay na sina Angelica at ang boyfriend nitong si Derek Ramsay.
Hindi nagtagal, pumutok na agad ang balitang may malalim nang namamagitan na kina Angelica at sa aktor na si John Lloyd Cruz.
Bagama’t hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin silang direktang pag-amin sa publiko na “sila na.”
Dito na pumasok ang pag-compose ni Angelica ng isang kanta para sa Madaling Araw, Mahabang Gabi.
Pinamagatang “Barcelona,” nagawa o ginawa raw ng aktres ang kantang ito para sa bago nitong mahal—si John Lloyd nga.
Ani Direk Dante, “Kung nasa point ka na talagang gusto mo nang sabihin yung nararamdaman mo, di mo na naman maaano [maiisip] kung ano’ng tama at mali, e. Kasi, yun na ang nararamdaman mo, e.
“Lalo na sa posisyon namin, na hindi mo puwedeng i-articulate agad ang nararamdaman mo…
“Pero ‘pag umabot ka sa point na papalo, sasabihin mo na lang afterwards na, ‘Sorry, may ganito palang pakiramdam!’”
Ayon pa sa direktor, bongga at may kilig factor daw ang naramdaman niya sa pag-iibigang John Lloyd at Angelica.
“Sobrang sarap. Ako, kinikilig!... ‘Tsaka yung Lloydie [palayaw ni John Lloyd], nagbilin talaga sa akin, ‘O, i-document mo naman minsan [ang kilig moments nila ni Angelica]. Pag trip mo lang.’
“E, hindi nga kasi ako pumi-picture sa friends, e.
“Sabi niya, ‘Masarap ang ano [feeling]… Wala namang [masama]…’”
Aware din daw si Angelica na mada-drag silang dalawa ni John Lloyd sa promosyon ng pelikula dahil sa paggamit ng kantang “Barcelona.”
Patuloy ni Dante: “Sinabi ko sa kanila, ‘O, pa’no ‘to, mada-drag kayo sa promo?’ Kasi, gustong ilabas ni Pechay [palayaw ni Angelica] yung song sa movie…
“Last [stage] ko nilabas yung 'Barcelona,' kasi ayoko nga silang [ma-drag]… Sabi ko, ‘O, mada-drag kayo sa promo!’
“Sabi ni Angelica, ‘Okey lang!’
“Sabi ko, ‘Papaano ang Star Cinema’? Sabi niya, ‘Ga [palayaw ni Dante], may respeto ako sa iyo bilang direktor, may respeto ako sa iyo bilang kaibigan. Magkahiwalay yun.’
“So, parang, sabi niya, sa dalawa ay okey. Sa dalawa ay wala akong issue. Yun lang siya.
Saka, sabi ni Lloydie, ‘Gawa niya 'yan, e.’ Sabi ko, ‘Okey…’”
Ayon pa kay Dante, gusto nga raw ni Angelica na i-launch ang kanta bilang MTV sa birthday nito.
“Si Pechay, gusto niyang i-launch sa birthday niya yung song. Yung [music] video. Sumasayaw sila, silang dalawa lang…
“Sabi ko, ‘Sandali, i-edit ko muna nang maayos!’” sabay tawa ni Ga.
“Gusto niya, sa birthday niya, kakantahin niya. Kaya lang, noong nire-rehearse niya mga two weeks ago, hindi niya talaga makuha.
“November 4 ang birthday niya, pero magsu-shoot sa Tuesday [October 30] yung Banana Split ng birthday special niya… E, baka di umabot… Ewan ko.
“Proud siya sa kanta, siya pa ang nag-forward sa akin [ng link].”
THE VIDEO. At this point ay nai-share ni Dante sa press na kasama niya ang “pasabog” na controversial “romantic video” na kuha sa mismong bagong bahay ni Angelica.
Dito ay makikita si John Lloyd professing his love para sa aktres.
Nasa video rin si Glaiza de Castro, kaibigan ni Angelica, na bukod sa kasama nito sa movie ay siya ring naglapat ng musika at kumanta mismo ng “Barcelona,” ang awiting handog ni Angelica para kay Lloydie.
Si Dante ang nagbi-video.
Nasa kitchen area ang lahat, kasama rin ang isang lalaking pinsan ni John Lloyd.
Nakaupo sa upuan si Lloydie na naka-blue T-shirt, habang nakaupo naman si Angelica sa table na naka-black top at printed skirt.
Sa video ay casual conversation lang muna ang namamagitan kina Dante (habang hawak ang videocam), Angelica, at John Lloyd.
Sabi ni Dante kay Angelica: “May mga very few moments na nagkakaiyakan tayong dalawa, di ba? …” na sinang-ayunan ng aktres, na tuwang-tuwa at kinikilig sa mga titig at mga “paandar” ng boyfriend na si Lloydie sa kanya.
Kasama na rito ang napaka-sweet na gesture ng pag-kiss ng aktor sa kamay ni Angelica.
“Hindi ko na kayang magmahal ng iba!” sabi ni Angelica.
Dito ay mismong si Glaiza ay natuwa at kinilig sa narinig sa kaibigan, sa harapan mismo ng minamahal nitong boyfriend.
Sabi naman ni John Lloyd habang nakaharap sa video camera, na halatang masayang-masaya ang mood, seryoso, at higit sa lahat, in-love:
“Kung iisipin mo, happiness comes with great responsibility, na you don’t wanna let loose of yourself, but… para bang, wag mong hahayaan na…
“[Expletive] Sasampa ka sa sofa, magwawala ka, tapos, sasabihin mo sa mundo, ‘[expletive] I’m so happy!... [expletive] I’m so happy!’
“Di mo puwedeng gawin yun… Puwede mong gawin, it’s a matter of puwede and dapat…
“It’s a matter of that, puwede mong gawin, and ano ba yung dapat pang gawin?
“Mahirap ‘yan, sobrang hirap niyan… Ang hirap i-gauge, kasi parang minsan, gusto mong sabihin na, ‘Hello, world! I’m so happy!’
“Pero kung iisipin mo, ano ba’ng pakialam ng mundo sa ‘yo? You’re just another happy soul.
“'You don’t have the right to…' Hello! Para bang [unclear audio]… Excuse me, ‘I’m happy… Are you happy or not?’
“In the end, we’re just two happy souls. We’re just happy to share the same feelings. So live it, di ba?”
Habang naglilitanya si John Lloyd ng pag-ibig nito kay Angelica ay di na rin napigilan ng aktres ang mag-react.
“How about you, how do you feel?” tanong ni Angelica kay Lloydie.
“This is me, articulating… ‘Yan ang mahirap, e… Wala lang, wala lang…’ Exactly how I said it, happiness comes with great responsibility.
“Ganoon talaga, e. It depends… Depende ‘yan kung ano ang orientation mo.
“Happiness is being told that somebody loves you,” maromantikong sabi ni Lloydie.
“Mahal na mahal kita!” reaksyon naman ni Angelica.
Sagot uli ni John Lloyd, “Gano’n na nga, gano’n lang kasimple yun…
“To other people, they just complicate things…”
Dugtong ni Angelica, “Hindi nila na-gets yun, e. Sabi ko nga, sa kaso natin, mahal na mahal kita, mahal na mahal mo ako… Okey na ba yun?”
At this point ay damang-dama ang pagkakilig ng mga nanonood sa video.
“Para bang, ‘Hello, sorry, world! …May ganito palang feeling!’” tugon ni John Lloyd.
At sa parteng ito hinalikan na ni Lloydie ang mga labi ni Angelica, na kuhang-kuha naman ng video cam na hawak ni Dante.
Later sa video, nagtanong si Dante kay Angelica: “Twenty years from now, sa mga taong makakakita ng video na ito, ano ang gusto mong sabihin sa kanila?”
Tumawa muna si Angelica, “Twenty years down the road? Ang tanda n’yo na! Sana, matuto kayo sa amin! Ang saya namin, di ba?
“’Tsaka, ano, pakisamahan n’yo yung best friend n’yo, kasi bestfriend ko ito [itinuro si John Lloyd], e…”
Biglang sumabat si John Lloyd para sa kanyang mensahe naman sa makakapanood ng video: “I hope you find a love like this…
“It’s…kasi, ewan ko, kasi parang feeling ko, it’s rare! It’s ganyan… I hope you sincerely find a love like hers.”
Sa puntong ito ay si Angelica naman ang hindi nakapagpigil sa sariling humalik kay Lloydie.
Doon na natapos ang video.
PUTTING THE HASHTAG. Nagulat at nagulantang ang press na nakapanood ng video, at may nagsabi pang si Direk Dante nga raw ang ginamit ng magkasintahan sa pag-amin ng kanilang relasyon.
Ipinaliwanag ni Direk Dante na kaya may hashtag (#) sa title ng movie ay dahil sa November 7, kasabay ng showing nito sa SM Cinemas ay ipalalabas din ito sa TFC (The Filipino Channel) all over the world via pay-per-view.
“Tinawagan ako ng TFC na tinanong nila ako kung puwedeng experimental.
“Noong una kasi ang title lang niya, Madaling Araw, Mahabang Gabi, pero nung sinabi ng TFC, ‘Puwede bang experimental? For the first time ever na available sa Pilipinas sa mga sinehan, available din sa abroad online?’
“So, sabi ko, ‘Sige, kung doon makakabawi.’ So, doon nawala yung coma at naging #Madaling Araw Mahabang Gabi. Para pag nag-tweet si Angelica na panoorin n’yo yung movie, hindi lang sa Pilipinas ito but all over the world,” paliwanag ni Direk Ga.
DIREK GA’S INVOLVEMENTS. Lastly, pinagdiinan ni Direk Dante: “Saka sabi ko kila Lloydie at Angelica talaga, makikita ng press yung kanta. E, para saan yung kanta? Sa movie. At saka ano yung “Barcelona”? Pag na-track, paano?
“Sabi niya [Angelica], ‘Sige, ilabas mo!’ Saka ang ganda-ganda ng lyrics nung kanta…
“Pag niyayakap ko siya [Angelica], umiiyak. Nagbi-break down lately.
"Sabi ko, ‘Para ka nang si Juday nung time na ginagawa ko yung Ploning… Na ready na magtrabaho, ready nang ihiwalay ang personal sa trabaho, matapang na.’”
Biro tuloy ng press kay Dante, kung magkakatuluyan na ang dalawa, tila yata siya na ang magbi-video coverage ng kasal.
“Sa true! Sabi ko nga, ‘Ano itong pa-coverage? Ako na ba?’ Kasi, sabi minsan nila [mga kaibigan], ‘I-shoot mo naman minsan si Angge with Lloydie.”
Pagre-reveal pa ni Direk Ga, may kinalaman din siya sa pagkikilala nina Angelica at ang nakaraaang nakarelasyon nito.
“Ako nagpakilala sa kanya kay Derek, e. Kaya sabi ko kay Lloydie, ‘Asiwa na mai-involve ako uli sa relasyon ninyo.’ Dahil open yun sa mga barkada na ako talaga yung nagpa-date sa dalawa.
“Sabi ni Lloydie, ‘Hindi naman issue do’n yung relationship, e. Ang isyu is, yung tao, mahal mo. Kahit na sino pa mahalin niyan, kung sino man ang mahalin niyan, kasama ka niya.’
“So, yung dare sa akin na yun ni Lloydie, ‘O, e di sige, kasama ako! Kasali na ako sa relasyon n’yo!’” sabay bulanghit ng direktor ng malakas na tawa.
Ito ba ang dahilan kung kaya’t pumayag sina Angelica at John Lloyd na si Direk Dante na ang mag-announce ng totoong relasyon nila?
“Hindi,” sagot ni Dante. “I think, they don’t see the need [na manggaling sa kanila]… Pero sabi ko [kay Angelica], ‘Sa akin, promo-wise, ikaw talaga angkla ng pelikulang ito. People will talk about you. So, sabi ko, ang baduy ko naman kung iiwas-iwas ako.
“Kasi, yung kila Juday, alam nilang hindi ako marunong magsinungaling, e. Pag tinanong n’yo ako ngayon, diretso ako…
“Ayoko nung [nagsisinungaling], flop! Kung ano yung alam ko, yun ang sinasabi ko. Gano’n naman talaga ako eversince, e.”
Ano naman ang reaksyon ni Lloydie na madadamay sila sa promo ng Madaling Araw, Mahabang Gabi?
“Sabi ko, ‘Lloydie, it’s not about you… It’s about the network [ABS-CBN]… Sabi naman ni Lloydie sa akin, ‘Nagde-deliver naman ako ng trabaho ko, e.’
“Sabi pa niya, ‘Si Angelica, sobrang saya niya sa pelikula, na parang hindi na niya uli magagawa yung lasing siya na nagsu-shoot! Ang sarap-sarap!’
“Ang point ni Angelica, naiinggit siya kay Juday na merong Ploning with me. So, gusto niyang itodo ito.
“Sabi ko, pag wala ka sa presscon, pag tinanong, o wala sa events, kasi talagang wala siyang oras sa promo nito…”
Ito nga raw ay dahil sa busy schedule ni Angelica na nag-a-advance taping ng bagong teleserye nito sa Kapamilya network, at ang pagsu-shoot din ng One More Try na pang-Metro Manila Film Festival entry niya sa ilalim ng Star Cinema, kasama sina Angel Locsin and Dingdong Dantes.
Ayon pa rin kay Dante, nung gabi raw na yun na kinunan niya ng video ang magkasintahan ay “Pinapunta ako ni Pechay kasi naka-schedule nang panoorin ni Lloydie yung pelikula.
“Nag-text minsan sa akin si John Lloyd na nakita raw niya yung music video… May text siya na napahanga ko raw siya, na, ‘Gustung-gusto mo yung ginagawa mo…’ Hindi ko lubusang naintindihan yun.
“Yung pelikulang ito, sabi ni Lloydie, kailangang wala raw iniisip na taping the next day.
“So, si Petchay, one Saturday night, nag-text siya na walang work kinabukasan si Lloydie.
"E na-late ako, dumating ako three hours after kasi pina-burn ko pa yung kopya… E, nakainom na sila.
“Sabi ni Lloydie, ‘Hindi ko papanoorin ang pelikulang ‘yan nang nakainom. Papanoorin ko ‘yang nakaupo at set na set yung utak ko.”
Habang sinu-shoot ni Angelica ang Madaling Araw, Mahabang Gabi ay sila pa ni Derek.
“November 4 and 5 niya syinut [shoot] ‘yan last year.”
Umiiyak na ba si Angelica noong mga panahong ‘yun?
“Hindi, never siyang umiyak sa akin… Umiiyak lang siya sa akin nung malaman niyang ampon siya. Tapos, nalaman niyang after one year… Di kami magkakontak nun…
“Kuwento siya nang kuwento about tatay niya. Doon siya nagulat. Kinausap niya ako sa may MOA [SM Mall of Asia], kinorner niya ako. ‘Ampon ako, alam na ng buong mundo, bakit ikaw, hindi?’
“Doon niya sinabing, ‘Mag-reconnect na nga tayo, ang tagal mo nang nawawala sa buhay ko… E, may tampuhan nga sila ni Juday, di ba?
“So, hindi talaga siya nakakarating sa aming dalawa, na-block off siya for four years! Wala, cut-off!”
FOUR MONTHS? Pakiwari niya ay ilang buwan na ang relasyong Angelica-John Lloyd?
“Four?” sagot ni Direk Dante.
Parang gano’n… Basta, itong kantang ito, kinompose [compose] niya noong una niyang trip to Barcelona [Spain] after niya sabihing in love na in love na raw siya [kay John Lloyd].
"Tapos, wala siyang kasama.
“Wala si John Lloyd noon. Wala siyang mapagkuwentuhan. Wala siyang mabuhusan ng emosyon, nagsulat. Wala siyang makausap!
“Parang show ‘yan doon, e. Alam ko, nandoon rin ibang stars.
“Basta pumunta lang siya doon sa isang café… Sinulat niya lang sa isang tissue ang kanta. Andoon lang siya, kaya may line siya na, ‘Iwan ka man…’
“Kasi, lahat ng barkada niya, di siya naiintindihan…
"Iniisip niya, 'Ako ba ang nagloko [sa hiwalayan nila ni Derek]? Hindi, e! Pure yung emosyon ko, e.'"
Wala pa sa buhay niya si John Lloyd at that time?
“Nandoon na… Pero siyempre, may [public] judgment noong simulang lumalabas sa diyaryo yung, ‘Ano ba ito, na-in love ba ito o nagloko ba ‘to?’ Or ‘Ang bilis niyang nakahanap ng kapalit?’
“Yun yung iniisip niya. Doon niya nasulat na, parang, line na ‘Walang tama sa mundong sinungaling…’
“Parang, ‘Aaminin ko ba sa sarili ko na in love ako? Kasi, kung hindi ko aaminin na na-in love ako sa ‘yo, never magiging tama ang lahat ng gagawin ko for you…’
"Merong gano’ng ka-dramahan si Angelica!” tawa ni Dante.
Sa ipinamigay na press release pagkatapos ng press preview, kasama ang lyrics ng kantang ginawa ni Angelica para kay John Lloyd at kasama rin sa pelikula.
THE SONG. Narito ang kabuuan ng lyrics ng “Barcelona,” na sinulat ni Angelica, as printed on the press release:
BARCELONA
Lyrics: Angelica Panganiban
Music: Glaia de Castro
Kalaban man ang lahat, iwan ka man ng samahan
Lumayo na ang mundo, ito’y walang kapares
Walang kapantay sa mundo nating walang sukatan
Walang humpay na ligaya
Sa inaakala nating walang tama sa mundong sinungaling
Bumuo tayo ng samahang totoo’t nararapat
CHORUS:
Ikaw at ako, kasama silang walang paghuhusga
Ikaw at ako, samahang walang maling akala
Ikaw at ako sana nga ang tinadhana
Araw man o buwan, o tala nais mamasdan
Lahat ng ito’y ihahayag kung di mag-abot, ako’y nariyan
Dapat pa bang maramdaman?
Kung di makakatulong, ‘wag na lang
Salubungin ang bagong yugto at walang alinlangan
Ikaw at ako sana nga ay itinadhana
Ikaw at ako, ikaw at ako sana nga ang itinalathala
II.
Naging madamot ang kahapon
Kaya bumabawi ang ngayon
May lumbay ang nood
Kaya’t may kulay ang ngayon
Walang takot na binigay
Sa maaaring lumbay
Ang nararamdamang tunay
Sa tanging kaugnay

No comments:
Post a Comment